Sen. Leila de Lima speaks up on her alleged new boyfriend

IMAGE Leila de Lima on Facebook

Inalmahan ni Senator Leila de Lima ang naging basehan ng akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na karelasyon diumano niya ang isa sa kanyang security na si 'Warren Cristobal' -- ang kanyang sulat sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Sabi niya, "Is that evidence of my relationship?"


“My God, grabe naman ito!”

Ito ang reaksiyon ni Senator Leila de Lima sa panibagong rebelasyon ni President Rodrigo Duterte tungkol sa kanya diumanong bagong karelasyon na dating empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Pangulong Duterte, ang dating MMDA chairman na si Francis Tolentino pa mismo ang nagsabi nito sa kanya.

Read: President Duterte claims Sen. De Lima has another lover besides her driver

Pero buwelta ni De Lima, sapat na bang basehan ang sulat niya kay former MMDA Chairman Tolentino upang sabihing may relasyon na sila ni 'Warren Cristobal'?

Sa ulat na lumabas sa ABS-CBN Online ngayong araw, August 25, sinabi ni De Lima, “Is that evidence of my relationship? My God, grabe naman ito!

“It was an official request to Tolentino… it's [regarding Warren] as a former MMDA enforcer.”

Hindi naman idinetalye ng senadora kung ano ang laman ng kanyang sulat sa MMDA chairman.

Dagdag pa ni De Lima, naaawa siya sa taong bahagi ng kanyang security detail dahil malisyoso raw ang alegasyon laban dito.

Sabi pa niya, “He was just assigned to me and is no longer connected with the MMDA.”

Kinuwestiyon din ng senadora ang pagpangalan ni President Duterte kay Tolentino.

Aniya, “It would be so awkward… he would not know whether to admit or not to that tsismis. It's plain tsismis.”

Iginiit ni Senator De Lima na pawang paninira lang sa kanyang kredibilidad ang nangyayaring pambibira sa kanya dahil pinamumunuan niya ngayon ang Senate investigation sa extrajudicial killings.

Ang mga patayang ito ay bunsod ng malawakang kampanya ng pamahalaang Duterte laban sa droga.

Pero ayon sa senadora, mali ang kanyang mga kalaban dahil hindi siya mawawasak ng anumang paninira ng mga ito, kahit pa masyado na siyang pinepersonal sa isyu.

SEX VIDEO. Bukod sa alegasyong may bago siyang karelasyon, may sex video din diumano ang mambabatas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinalungkot naman ito ni De Lima.

Aniya, “As a woman, it's very offensive…

“You can only start prying into my private life kung nakikita niyo na it is affecting the performance of my work.

“That is always my attitude.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN