Deniece Cornejo appointed as ambassador of goodwill for the youth; mum about ongoing Vhong Navarro case

IMAGE Deniece Cornejo Facebook

Naitalaga ang controversial personality na si Deniece Cornejo bilang ambassador of goodwill ng Chivalric Order of the Royal House of Baloi. Sabi niya tungkol sa kanyang responsibilidad, "My aim is to empower youth from all walks of life."


Trending topic si Deniece Cornejo kasabay ng balitang naitalaga siya bilang ambassador of goodwill ng Chivalric Order of the Royal House of Baloi.

Ayon sa ulat ni Mario Dumaual ng TV Patrol, Huwebes ng gabi, Agosto 25, ang Chivalric Order of the Royal House of Baloi ay isang United Nations-affiliated organization na nakabase sa Mindanao.

Sabi ni Deniece nang tanungin tungkol sa responsibilidad niya bilang ambassador of goodwill ng nabanggit na organisasyon, “My aim is to empower youth from all walks of life.”

Plano raw niyang makipag-ugnayan kay newly-appointed National Youth Commission Chairperson Aiza Seguerra.

“Yeah, I’m looking forward to meet Honorable Aiza Seguerra,” nakangiting sabi niya.

Bukod dito ay aktibo rin umano si Deniece bilang vice president ng Junior Chamber International Philippines.

Naging bahagi rin siya ng Volunteers Against Crime and Corruption, na nagsagawa ng convention noong Mayo.

Aniya, “We did an event for national congress for young Filipinos during the election...”


Samantala, tumanggi si Deniece na magbigay ng pahayag sa nakabinbing mga kasong isinampa laban sa kanya ng Kapamilya actor-TV host na si Vhong Navarro.

Nang tanungin tungkol sa huling engkuwentro nila ni Vhong, paiwas na sagot ng dalaga, “I cannot comment on that.”

VHONG'S ONGOING CASE AGAINST DENIECE, CEDRIC. Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 14, sinabi ni Vhong na tuloy pa rin ang pagdinig ng mga kasong isinampa niya laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog kay Vhong ng grupo ni Cedric noong January 2014.

Hindi rin nagbigay ng anumang detalye si Vhong dahil sa gag order mula sa korte.

Read: Vhong Navarro bent on pursuing cases against Cedric Lee's group; denies settlement


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN