VACC files complaints against Mayor Herbert Bautista, brother Hero over illegal drugs

IMAGE Mayor Herbert M. Bautista on Facebook

Naghain ng reklamong kriminal at administratibo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban sa magkapatid na sina Mayor Herbert at Councilor Hero Bautista dahil sa kanilang kapabayaan sa paglipana ng droga sa Quezon City.


Nahaharap sa reklamong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman ang magkapatid na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at QC Fourth District Councilor Hero Bautista.

Ang naghain ng reklamo laban sa kanila ay ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Office of the Ombudsman ngayong araw, August 26.

Ito ay may kaugnayan sa paglaganap ng ilegal na droga sa naturang lungsod.

Sa kanilang reklamo, inakusahan ng VACC sina Mayor Herbert at Konsehal Hero ng pagsisinungaling, kapabayaan sa tungkulin, grave misconduct, at paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Kinuwestiyon ng grupo kung bakit nabigo si Mayor Herbert na sugpuin ang paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa kanyang nasasakupang lungsod mula nang manungkulan siyang mayor noong 2010.

Pahayag ng chairman ng VACC na si Dante Jimenez, sa ulat ng ABS-CBN Online, “Matagal na siyang mayor dito. Bakit lumago ang illegal drugs sa Quezon City?

“Bakit number 1 siyang siyudad sa Pilipinas na maraming mga adik, mga user?

“Bakit dalawang direktor ng Quezon City ay nasasangkot sa illegal drugs?

“Bakit andaming sumurrender dito, mga pushers, mga users? Bakit andaming napapatay?

“‘Yan po ang pananagutan ni Mayor Bistek.

“Imagine that, mayor ka, hindi mo alam nangyayari sa siyudad mo?”

HERO RESIGN. Nagbulag-bulagan din daw si Mayor Herbert sa pagkakasangkot ng kapatid niya sa ilegal na droga.

Kaya naman ipinanawagan nila ang pagre-resign ni Hero bilang konsehal.

Pahayag ng abugado ng VACC na si Atty. Ariel Jawid, “Is there such a thing as leave of absence after admittance of use of illegal drugs? I think there should be resignation.”

Kasalukuyang nasa rehab si Hero matapos itong umaming biktima raw siya ng paglipana ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

Read: QC Councilor Hero Bautista volunteers to go to rehab

Kasalukuyan namang nasa Norway si Mayor Herbert para sa peace talks doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN