Sunshine Dizon always ready to defend 'little brother' Alden Richards

IMAGE Noel Orsal/Instagram (@m_sunshinedizon)

Sunshine Dizon tweets and asks netizens not to resort to bashing other artists. She also assures Alden Richards's fans that she will continue to defend the actor, whom she considers her little brother.


Nag-tweet nitong weekend si Sunshine Dizon kaugnay ng nauna niyang post kay Alden Richards noong nakaraang linggo.

Sa previous post ng Kapuso actress, pinuri niya si Alden dahil hindi pa rin daw ito nagbabago sa kabila ng kasikatang tinatamasa nito.

Nagkita ang dalawa sa #PEPListYear3 noong August 21.

Read: Sunshine Dizon hits netizen accusing Alden Richards of having an attitude problem

Nitong Sabado, August 27, nag-tweet si Sunshine at nakiusap na ihinto ang pag-bash sa ibang artista.

“Be the bigger person,itama lang natin ang mali,” bahagi ng tweet ng Encantadia actress.

Nagpasalamat naman ang mga tagasuporta ni Alden kay Sunshine sa pagtatanggol sa kanilang idolo.

Sinabi ng aktres na nakababatang kapatid ang turing niya kay Alden at ipagtatanggol niya ito.

Samantala, magkakasama sina Sunshine at Alden sa fantaseryeng Encantadia dahil papasok ang Pambansang Bae bilang isang Mulawin.

Si Sunshine ang gumaganap na Adhara.

Dati nang nagkatrabaho sina Sunshine at Alden sa 2013 teleseryeng Mundo Mo'y Akin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN