Enrique Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing

IMAGE Arniel C. Serato / Noel Orsal

Nagsagawa ng supervised at voluntary drug test ang Star Magic sa halos 40 nilang mga artista kaugnay ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa paglipana ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang ilan sa mga sumailalim sa drug test ay sina Enrique Gil, Diego Loyzaga, at Jake Cuenca. Negatibo raw ang resulta sa kanila.


Bilang pagsunod sa malawakang kampanya ng gobyerno na sugpuin ang ilegal na droga, nagboluntaryo na ang Star Magic sa random drug testing sa mahigit sa 40 artista nila.

Ayon sa ipinadalang pahayag ng Star Magic ngayong araw, August 29, ginawa nila ang voluntary drug testing para sa kanilang talents upang pabulaanan ang balitang karamihan sa kanilang mga artista ay gumagamit diumano ng ipinagbabawal na gamot.

Kabilang sa mga malalaking pangalang sumailalim sa drug test ay sina Jake Cuenca, Enrique Gil, at Diego Loyzaga na negatibo naman daw ang naging resulta.

Ayon sa pahayag ng talent arm ng ABS-CBN, “Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community.

“Results were 100% negative for Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, and the rest of the Magic artists.”

Naniniwala rin daw ang kanilang pamunuan sa kampanya ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpuksa ng illegal drugs sa bansa.

“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug free.”

Napabalitang may drug matrix din daw si Pangulong Duterte sa mga artista at media personalities na diumano’y sangkot sa ipinagbabawal na gamot na kanya raw papangalanan sa takdang panahon.

Ngunit ang masugid na tagasuporta ni Duterte na si Robin Padilla ay tutol sa pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga artista.

Ayon sa aktor, kailangan muna ay magkaroon ng dayalogo ang gobyerno sa kanilang hanay.

Read: Robin Padilla not in favor of publicly naming showbiz personalities involved in drugs

Ang isa pang prime artist ng ABS-CBN na si James Reid ay willing din daw boluntaryong magpa-drug test bilang pagsunod na rin sa kampanya ng gobyerno laban sa paglipana ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read: James Reid supports government's anti-drugs campaign


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN