Cloie Syquia-Skarne excited to return to the Philippines for Miss Earth 2016

IMAGE Instagram

KC Concepcion's half-sister Cloie Syquia-Skarne was recently crowned Miss Earth Sweden, Cloie is excited to return to the Philippines and represent her home country in Miss Earth 2016 this coming October.


Excited na si Cloie Syquia-Skarne na bumalik sa Pilipinas upang i-represent ang bansang Sweden sa Miss Earth 2016.

Kinoronahan ang anak ni Gabby Concepcion sa dating actress-model na si Jenny Syquia bilang Miss Earth Sweden sa Miss Universe Sweden pageant, na ginanap sa Stockholm, Sweden, noong August 28, Linggo.

Nabigo ang dalaga na makuha ang main title upang maging kinatawan ng Sweden sa Miss Universe 2016, na gaganapin sa Pilipinas sa January 2017.

Read: Cloie Syquia-Skarne to represent Sweden in Miss Earth 2016

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Cloie na excited siyang bumalik sa Pilipinas para sa Miss Earth pageant na gaganapin sa Oktubre.

Ilang araw bago ganapin ang Miss Universe Sweden, nagtungo si Cloie sa Pilipinas para sumailalim sa training ng Aces & Queens, kilalang pageant camp sa bansa.

Nakipag-bonding pa siya sa kanyang mga kapatid na sina KC Concepcion at Garie Concepcion.

Nag-post naman ng pagbati ang mga kapatid ni Cloie sa kanyang pagkapanalo.

Sabi ni KC, sobrang proud siya sa tagumpay ng kapatid lalo pa’t alam niya ang mga pinagdaanang hirap nito.

“You've reached another milestone, @cloiesyquia! 2016 has been good to you. After all the sleepless nights, uncertainty, beauty pageant lessons & yes, diet shakes... You did it!!!”

Gayundin ang half-sister ni Cloie na si Garie at sinabing proud siya sa kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN