PDEA to conduct extensive surveillance of showbiz personalities involved in illegal drugs

IMAGE Internet

Magkakasa ng anti-drug operations ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga personalidad mula sa showbiz at media na diumano'y sangkot sa ipinagbabawal na gamot.


Magsasagawa ng extensive surveillance ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilang showbiz personalities na nakuhanan diumano ng CCTV footage na pabalik-balik sa condominium unit nina Ronald Fonda at Jervy Lee.

Sina Fonda at Lee ay nahulihan ng P1.4 milyong halaga ng party drugs nitong nakaraang linggo sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ng Aksyon Tonite ng TV5 kagabi, August 30, sinabi ni PDEA-National Capital Region Director Wilkins Villanueva na hindi nila titingnan kung user o pusher ang mga naturang personalidad.

Aniya, “As long as na umakyat ka dun, may transaksiyon ka.

“It’s not necessary na pag umakyat ka, user ka.

“Kasi puwede kang pumunta dun at ibebenta mo naman sa high-end bars.

“We will try to conduct anti-drug operations against these people. But it will be extensive.”

Bukod sa kuha ng CCTV, may mga impormasyon pa raw silang nakuha na nag-uugnay sa ilang personalidad mula sa iba’t ibang TV networks.

Ilan daw sa mga ito ay mga dating kilalang artista na nasira ang mga karera dahil sa droga.

Saad ni Villanueva, “We are still backtracking kasi we have different cellphone [numbers] na nakuha.

“We have an interview with the suspects. May mga nalaos na nagbebenta.

“Sa umpisa sikat ka, but definitely kapag gumamit ka kasi ng droga, eventually malalaos ka dahil gumagamit ka, e.”

VOLUNTARY DRUG TESTING. Ikinatuwa naman ng PDEA ang voluntary drug testing na isinagawa ng ilang TV networks, partikular na ang ABS-CBN, sa kanilang talents.

Matatandaan nitong nakaraang Lunes, August 29, nagbigay ng pahayag ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, na sumailalim daw sa voluntary drug testing ang halos 40 nilang talents.

Read: Enrique Gil, Jake Cuenca, Diego Loyzaga, other Star Magic artists volunteer to undergo drug testing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ngunit naniniwala ang PDEA na mas maiiwasan ang paglaganap ng paggamit ng ilegal na droga ng mga kilalang personalidad kung aayusin ang oras ng trabaho ng mga nasa media at entertainment industry.

Dagdag pa sa ulat, may blue book din daw na hawak ang Southern Police District (SPD) na naglalaman umano ng mga taga-showbiz at media na tumatanggap ng drug money.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN