Rita Daniella moves on from issue with Donita Rose: "Ayoko na po siyang pag-usapan."

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Rita Daniella na nagkulang sa komunikasyon sa kanyang parte kaya nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan noon sa pagitan nila ng kanyang dating co-star sa Let The Love Begin na si Donita Rose. Nagkaayos naman na raw sila noon pa man.


Kahit isang taon na ang nagdaan mula nang masangkot ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniella sa kontrobersiya dahil diumano sa pang-iismid niya sa dating co-star na si Donite Rose sa Let The Love Begin, hindi pa rin maiwasang itanong sa kanya ang tungkol dito.

Read: Gladys Reyes displeased with Rita Daniela over 'tarayan issue' with Donita Rose

Ano ba ang natutunan niya mula sa naturang sitwasyon kung saan lumalabas na wala siyang respeto sa mas senior sa kanyang artista?

Saad ng 20-year-old singer-actress, “Communication lang po talaga.

“Kahit saan namang problema ‘yan ay communication lang po ang nagkukulang palagi, yun lang naman po.”

Kahit na nagkaayos na sila ni Donita, at ng co-star din nilang si Gladys Reyes na nairita raw sa kanya noon, hindi naman maiwasang tumatak sa mga tao ang nangyari.

Paano niya hina-handle ang ganitong klaseng mga intriga?

Paliwanag ni Rita, na kilala dati sa screen name na Rita Iringan at Rita de Guzman, “Ang sa akin po kasi, totoong tao po ako.

“Kahit saan po ako pupunta, sure naman po yun, di ba, kahit saan naman tayo ay may masasabi po yung ibang tao.

“Pero para sa akin po kasi is, ako po talaga, as much as possible, ipinapakita ko yung totoong ako.

“And kung may mga magkagusto man po sa akin o hindi, it’s okay, kasi talagang you can never please anyone, e.

“And lahat naman po tayo ay may iba’t ibang opinion, so ganun lang po yun.

“Parang ako din lang po, meron din po akong gusto, meron din po akong hindi gusto, kasi opinion ko po yun. Sa akin po yun.

“So, ako po, as much as possible, I keep on being myself, I keep on being true to everyone else.”

Sa ngayon daw ay naka-move on na siya mula sa naturang intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ayoko na po siyang pag-usapan kasi sobrang tagal na po siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rita sa grand presscon ng Superstar Duets kahapon, August 30, sa 17th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Isa si Rita sa walong celebrity contestants ng naturang show na magsisimula sa Sabado, September 3, pagkatapos ng Magpakailanman.

FRIENDLY COMPETITION. “I treat this as a friendly competition, e.”

Ito naman ang sabi ni Rita sa kanyang pagkakasali sa Superstar Duets.

Saad pa niya, “I think dapat ganun, hindi talaga siya yung serious competition.

“Kasi yun yung kagandahan ng show na ito, kasi pinagsama nila yung comedy, so maganda siya talaga.”

Ano ang kaibahan nito sa dati na niyang sinalihang Popstar Kids?

Sabi ni Rita, “Yung singing competition kasi na yun, ano siya, laban kung laban.

“Ito kasi, may halo kasi siyang entertainment, e, so kailangan umalis ka sa comfort zone mo.

“So, yun ang masasabi kong kaibahan mula sa mga singing contests na pinanggalingan ko.

“Seryosong singing contest talaga siya.”

Kahit na umaarte na rin siya sa telebisyon, aminado naman si Rita na ang pagkanta pa rin ang kanyang prayoridad sa ngayon.

Kabilang sa mga makakalaban ni Rita sa Superstar Duets ay sina Mike ‘Pekto’ Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Denise Barbacena, Nar Cabico, Divine Grace, at Osang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN