Yen Santos on working with her crush Piolo Pascual: "Hindi po ako makapaniwala."

IMAGE Noel Orsal

Yen Santos's reaction when she found out that her leading man in Once in a Lifetime: "Wala na, namula na ako, hindi na ako nakapagsalita."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Yen Santos na sa kanyang unang pelikula ay si Piolo Pascual agad ang kanyang magiging leading man.

“Siyempre, hindi po ako makapaniwala. Ako po, Yen Santos lang ako. Tapos siya po, Piolo Pascual,” sabi ng 24-year-old Kapamilya actress nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters matapos siyang pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment, Inc. kahapon, August 30.

LOOK: Yen Santos and Devon Seron sign up with Regal Entertainment. #RegalBabies

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on

Kuwento pa ni Yen nang malamang si Piolo ang makakatambal niya sa pelikulang Once in a Lifetime, “Wala na po akong nasabi kasi hindi ko naman po ito in-expect.

“Kasi, noong nag-meeting po kami, alam ko na may movie.

“Hindi ko rin po alam na yung director ko sa All of Me [Dondon Santos], siya rin ang magdidirek.

“Hindi ko rin alam na si Papa P yung ka-partner ko.

“Kaya noong nagkita-kita kami, nagulat na lang kami.”

Kinikilig pang dagdag ni Yen, “Nung sinabi sa akin na si Piolo, wala na, namula na ako, hindi na ako nakapagsalita!

“Siyempre, ultimate crush ko yun. Hindi ko talaga in-expect na agad-agad ay makaka-partner ko siya.”

Nang tanungin kung posibleng magka-develop-an sila ni Piolo, natawa si Yen at sinabing, “Ay, dyuskupo, masyado na tayong nangangarap nang mataas!”

Bukod kay Piolo, pangarap din daw ni Yen na makatrabaho sina John Lloyd Cruz, Coco Martin, at Jericho Rosales.

Read: Piolo Pascual and Yen Santos to shoot Once in a Lifetime in New Zealand

HESITATIONS. Bagamat masaya si Yen sa kanyang makakatrabaho, aminado naman siyang may mga pag-aalinlangan siya nang tanggapin ang proyekto.

“Sobrang dami kong hesitations. Actually, talagang nagtanong ako, 'Kakayanin ko ba?'

“Alam naman po nating lahat na, parang para po sa akin, nag-uumpisa pa lang po ako, e.

“Piolo Pascual yun, at alam nating lahat na yung mga nakakapareho niya ay talagang mga aktres — Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Sarah Geronimo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ang dami ko pong duda na, 'Kapag tinanggap ko ba 'to, kakayanin ko ba?'

“Siyempre, yung manager ko naman po, 'Hindi ka naman ilalagay diyan kung sa tingin nila ay hindi mo kaya.'

“Siguro may dahilan ang lahat.

“And sabi ko nga, kung ibinigay sa akin, sino ba naman ako para tumanggi.”

Dahil ito ang kanyang unang pagbibidahang pelikula, nangangako si Yen na paghuhusayan niya ang kanyang trabaho para sa Once in a Lifetime.

Aniya, “Sa tiwala na ibinigay, siyempre, ang gagawin ko na lang ay ibalik ang tiwala na yun.

“Gagalingan ko na lang para i-prove na hindi kayo nagkamali.”

Ang Once in a Lifetime ay isa sa four-movie contract na pinirmahan ni Yen sa Regal Entertainment.

Ito ay co-produced din ng Spring Films at Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN