Baron Geisler undergoes drug test; shows result on Facebook

IMAGE Facebook photo of Baron Geisler

Baron Geisler recommends getting quick profile test, "Just in case anyone is accused online or by the police."


Bago pa pagdudahan, sumailalim na si Baron Geisler sa isang drug test.

Sa kanyang Facebook post kanina, August 31, ipinaalam ng aktor sa kanyang followers na negatibo ang resulta ng kanyang drug test.

Ginamit ng aktor ang drug test kit na dala ng kaibigan niyang si Kowboy Santos, anak ng legendary '70s rock singer na si Sampaguita.

Pahayag ni Baron, “I tested negative by the way, I know everyone is wondering about me, I'm fine and good.”

Kaugnay nito, inirekomenda ni Baron sa iba na magpa-drug test na bago pa maakusahan at mapagsuspetsahan ng mga pulis.

Aniya, “I think this is a great idea for everyone to have, just in case anyone is accused on line or by the police.”

Si Baron ay kabilang sa mga artistang boluntaryong nagpa-drug test alinsunod sa kampanya ng administrasyong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Binaggit din ni Pangulong Duterte na hawak niya ang listahan ng mga celebrity na diumano'y sangkot sa ilegal na droga.

Ilan pa sa mga naging negatibo sa drug test ay ang Star Magic talents na sina Jake Cuenca, Enrique Gil, at Diego Loyzaga; at ang Minute to Win It host na si Luis Manzano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN