Tila hindi lang para sa pelikula ang muling pagiging close ng dating magkasintahang sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.
Kahit tapos nang maipalabas sa sinehan ang How To Be Yours, may ilang pagkakataon pa ring nakikitang magkasama ang dalawang Kapamilya stars.
Katulad na lamang ng posts ng Facebook users na sina Mary Payumo at Japoy Eusebio Dones, kung saan makikitang magkasama sina Gerald at Bea na bumili ng Toyota FJ Cruiser.
Ngunit hindi tiyak ng mga nag-post kung sino sa dalawa ang bumili mismo ng SUV.
Samantala, nitong nakaraang weekend ay nakita ring magkasama sina Bea at Gerald sa isang fun run.
Thanks for attending our Ice Cream Marathon event Bea and @andersongejr #BeaAndGeraldAtIceCreamMarathon @ABSCBN cto pic.twitter.com/Iqqg8y6VXB
— SUPERDAAAAN (@rldnmnzn) August 28, 2016
Matatandaang sa nakaraang panayam kina Bea at Gerald, inamin ng dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang How To Be Yours ay nagha-“hang out” sila.
Read: Bea Alonzo and Gerald Anderson admit they 'hang out' together
Gayunman, hindi nila direktang sinasagot ang mga tanong tungkol sa posibilidad na magkaroon muli sila ng romantic relationship.
Sabi ni Gerald, “Fall in love again? Pag nangyari yun, nangyari yun.
“Di mo kayang pigilan at di mo kayang pilitin ang love, it just comes naturally.”
Bagay na sinang-ayunan naman ni Bea, “Yung ganyan, hindi nai-schedule, hindi natin napaplano ‘yan, so hindi ko alam.”
Read: Bea Alonzo, Gerald Anderson falling for each other anew?