PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Allan K confirms return of Paolo Ballesteros to Eat Bulaga in a few days: "Tapos na suspension niya."

Allan K: "Sa Eat Bulaga! naman, no one is indispensable."
by Arniel C. Serato
Published Sep 3, 2016
Ilang araw na lang daw ang hinihintay ng mga tagahanga ni Paolo Ballesteros at muli na itong mapapanood sa noontime show na Eat Bulaga! Tapos na raw kasi ang anim na buwang suspensiyon nito, ayon sa co-host niyang si Allan K.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung kailan babalik sa Eat Bulaga! si Paolo Ballesteros.

Kung bibilangin kasi ang mga buwan na siya ay nawala sa noontime show, isang linggo na lang ay matatapos na ang kanyang anim na buwang suspensiyon na ipinataw noong March 10, 2016.

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga for six months?

Kagabi, September 2, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment writers ang isa sa mga hosts ng Eat Bulaga! na si Allan K sa kanyang pag-aaring bar na Zirkoh sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Kararating lang ni Allan mula sa Canada para sa ilang series of shows doon. Mula sa airport, dumiretso ito sa kanyang bar dahil may set siya ito.

Dito ay kinumpirma ni Allan na malapit nang bumalik si Paolo sa show.

Saad niya, “Malapit na. Baka this week or next week. 'Tapos na suspension niya, naka-six months na siya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun ba talaga kahigpit ang TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga, na kapag sinabing anim na buwan, e, anim na buwan talaga at hindi puwedeng mapaaga ang pagbabalik ng mga nasuspendeng hosts?

Tugon niya, “After 37 years? Sa Eat Bulaga! naman, no one is indispensable. As long as there’s Tito, Vic, and Joey, tapos ang kuwentuhan.”

Sa tingin ba niya kawalan si Paolo sa show? Natatawa niyang ibinalik ang tanong sa amin.

Dagdag niya, “Siyempre kawalan din kasi may naitutulong naman siya. Lalo na nung lola-lola sila, siya yung kiti-kiti character. Sikat na sikat yung Regine, woooh!”

Si Paolo ang isa sa mga De Explorer sisters na gumanap bilang mga lola ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa kalyeserye. Siya si Lola Tidora.

Ang iba pang mga lola ay ginampanan nina Wally Bayola bilang si Lola Nidora at Jose Manalo bilang si Lola Tinidora.

SUPERSTAR DUETS. Bukod sa araw-araw na paglabas sa Eat Bulaga! ay balik primetime TV muli si Allan via Superstar Duets ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Allan ang tumatayong pinaka-main judge sa show. Kasama niya rito bilang juror sina Aicelle Santos at Christian Bautista.

Magiging mahigpit ba siya sa mga contestants?

Saad niya, “Parang mataray lang, mala-Simon Cowell ang peg pero siyempre sa akin comedy, si Simon naman, e, bukal sa kalooban niya yung pagtataray.

“Ako naman ay may halong comedy, mataray na may comedy, may bali.

“Hindi ka naman puwedeng mag-Simon Cowell through and through kasi magagalit sa iyo ang fans.”

Magsisimula na ngayong gabi, September 3, ang Superstar Duets sa GMA, pagkatapos ng Magpakailanaman.

Ang host ng show ay si Jennylyn Mercado.

Read Next
Read More Stories About
Allan K
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang araw na lang daw ang hinihintay ng mga tagahanga ni Paolo Ballesteros at muli na itong mapapanood sa noontime show na Eat Bulaga! Tapos na raw kasi ang anim na buwang suspensiyon nito, ayon sa co-host niyang si Allan K.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results