Ogie Diaz drops hint about LizQuen relationship status

by Glenn Regondola
Sep 13, 2016
Talent manager cum comedian Ogie Diaz manages the career of Liza Soberano, does he have any say about her love life as well? He says, "Parang mahadera naman akong mangunguna. Ako ba ang magdi-decide diyan? Puso naman niya 'yan."

Ayaw ni Ogie Diaz na sa kanya manggaling ang kumpirmasyon sa totoong relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil, aka LizQuen.

Bilang talent manager ni Liza, sa tingin daw ni Ogie ay mukhang sila na nga ni Enrique sa totoong buhay.

Sabi niya, “Feeling ko lang, pero sino ako... parang mahadera naman akong mangunguna.

“Mabait naman si Quen. Pero sabi ko nga, 'Ako ba ang magdi-decide diyan?'

“Siyempre, siya naman [Liza], puso naman niya 'yan.”

Pagdating sa love life, humihingi ba ng payo ang Kapamilya teen actress kay Ogie?

Sabi ng talent manager-actor, “Hindi, kasi marunong naman yung bata, e, matalino yung bata kaya di kailangan.

“Pero lagi ko siyang pinapaalalahanan sa mga contracts namin sa endorsements.

“Kung ano ang dapat iasal sa public.

“Heto, pagdating niya galing New York, mag-uusap kami.

“Kasi pinapunta niya yung mom niya at yung grandmom niya sa mom's side.

“At yung kapatid niya sa New York, trineat niya.”

Continue reading below ↓

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ogie sa set visit ng teleseryeng Born For You, na ginanap sa Benpres Building, sa Ortigas, nitong Biyernes, September 9.

CAREER MOVES. Totoo bang pinu-push ngayon ang international career ni Liza?

Nangingiting sabi ni Ogie, “Heto naman na ako, nagmamahadera na naman ako.

“Basta, may pinu-push ngayon ang Star Magic para makilala ang mga artista ng ABS-CBN sa ibang bansa.

“So, hindi ko alam kung si Liza lang, pero ang alam ko ay si Liza ay kasama dun.”

At kung sakaling may seryosong offer kay Liza para sa Hollywood?

“Oo, why not? Ano yun, 'no, medalya 'yan ng Pilipinas,” sambit agad ni Ogie.

“Dollars yun, 'no!” pabirong sabi pa niya.

“Hindi, wala pa naman.

“Parang binubuo pa lang ng Star Magic at ABS-CBN na ma-penetrate din ang international [scene] ng mga artista nila.”

Marami rin ang may gusto na sumali ang kanyang alaga sa local beauty pageants, lalo na sa Binibining Pilipinas.

Continue reading below ↓

Komento ni Ogie, “Hindi pa niya nararamdaman na gusto niya.

"Kasi alam ni Liza na sobrang kailangan niyang mag-concentrate dun kung talagang kakaririn niya ang Binibini.

“Hindi ko siya pinu-push kasi dito siya malakas [sa pagiging artista], dito tayo mag-concentrate.

“Kung 'yan [beauty pageant], lahat ng panahon ay ibibigay mo diyan.

“Magpapaganda ka ng katawan, training kay [Jonas] Gafud, di ba?

“E, paano kung masilat ka diyan, mas lalong nakakahiya. Dito ka na sa star ka.

“Siyempre, mas malaki ang kita ko dito!” muli niyang pagbibiro.

Dagdag pa ni Ogie, “Ano ba naman 'yan, praktikal lang naman ang buhay.”

BORN FOR YOU. Samantala, napag-usapan ang isyu tungkol sa mabilis ng pagtapos sa ere ng Born For You, na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Paliwanag ni Ogie, "Siyempre, lahat naman ng teleserye, ang peg niya, one season.

“At saka, nagkataon din na di na mabanat ang kuwento.

“Dyusko, meron nga kaming teleserye, eleven weeks lang, o!”

Continue reading below ↓

Mami-miss naman daw niya ang ElNella dahil parehong mabait sina Elmo at Janella.

Ang Born For You ay magwawakas na sa linggong ito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Talent manager cum comedian Ogie Diaz manages the career of Liza Soberano, does he have any say about her love life as well? He says, "Parang mahadera naman akong mangunguna. Ako ba ang magdi-decide diyan? Puso naman niya 'yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results