PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales finally speaks up about his alleged video scandal: "Be careful na lang sa lahat ng actions."

Jeric Gonzales: Nandiyan na po, e, hindi ko na mapipigil, hinayaan ko na lang.
by Jojo Gabinete
Published Sep 14, 2016
Jeric Gonzales wants to pursue his singing career: "Sa music part, gusto ko talagang magkaroon ng album, gusto ko na mag-excel sa part na 'yon. Medyo pigil pa pero naiintindihan ko dahil focus muna sa acting. Yung musical side ko, sayang, kasi I can play instruments, like guitar. First love ko talaga ang music."

Hindi na iniiwasan ni Jeric Gonzales ang isyu ng kanyang alleged scandal video na kumalat noong January 2016.

Read: Jeric Gonzales involved in alleged video scandal

Sinagot niya ang lahat ng katanungan tungkol dito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Oh My Mama!, na naganap sa GMA Network Center kagabi, September 13.

“Be careful na lang sa lahat ng actions,” sagot ni Jeric nang itanong sa kanya ang aral na natutunan niya mula sa kinasangkutang video scandal.

Dagdag pa ng Protege winner, “Hinayaan ko na lang na lumipas.

“Nandiyan na po, e, hindi ko na mapipigil, hinayaan ko na lang.”

Itinuturing ni Jeric na mapalad ang sarili dahil hindi siya nawawalan ng television assignment, kaya taus-puso ang pasasalamat niya sa kanyang mother network.

“Sobrang lucky ako naging Protege winner ako tapos binigyan nila ako ng projects,” sabi niya.

Satisfied naman daw siya sa takbo ng kanyang acting career, pero gusto niyang maging active sa music industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jeric, “Sa music part, gusto ko talagang magkaroon ng album, gusto ko na mag-excel sa part na ‘yon.

“Medyo pigil pa pero naiintindihan ko dahil focus muna sa acting.

“Yung musical side ko, sayang, kasi I can play instruments, like guitar. First love ko talaga ang music.

“Ang alam ko, kinukuha ako ng Universal Records, kailangan lang ng release from GMA Records dahil under GMA Records ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jeric Gonzales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales wants to pursue his singing career: "Sa music part, gusto ko talagang magkaroon ng album, gusto ko na mag-excel sa part na 'yon. Medyo pigil pa pero naiintindihan ko dahil focus muna sa acting. Yung musical side ko, sayang, kasi I can play instruments, like guitar. First love ko talaga ang music."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results