PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga admits short-lived relationship with Chinese guy: "Ang nakaraan ay nakaraan na."

Alex Gonzaga: Kapag may kinuha si Lord, may ipapalit, at yung mga ipapalit ay mas sobrang okay.
by Arniel C. Serato
Published Sep 14, 2016
Umamin si Alex Gonzaga na halos dalawang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niya. Mutual naman daw ang naging hiwalayan pero ayaw na niyang idetalye ang tungkol dito.

Gusto sanang iwasan ni Alex Gonzaga na matanong tungkol sa kanyang dating relasyon, ngunit hindi na rin niya napigilang sagutin ang sunud-sunod na tanong ng media tungkol dito.

Panimula ng Kapamilya star, “Huwag na yun.

“Hindi na importante yun. Ang nakaraan ay nakaraan na.

“Ako ngayon ay nagpo-focus na [sa work].

“Kapag may kinuha si Lord, may ipapalit.

“At yung mga ipapalit ay mas sobrang okay.”

Matatandaang nitong nakaraang December 2015 ay inamin ni Alex na exclusively dating sila ng isang non-showbiz Chinese guy.

Kalaunan, lumabas ang mga larawan nila ng isang Carlo Chungunco, car reviewer ng Top Gear Philippines.

Read: Alex Gonzaga admits exclusively dating non-showbiz Chinese guy

Diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pabiro niyang sagot, “Hindi ko nga din alam, e.”

Nagtagal ba sila?

“Hindi. Dalawa [buwan]!” natawang tugon ni Alex.

“Hindi ko nga din alam, e. Baka siguro ano sa mga ugali namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang tagal ko din yun prinoseso sa utak ko, pero naisip ko na hindi."

Mutual ba ang hiwalayan nila?

Pag-amin niya, “Oo.

“Pero huwag na 'yan, hindi naman 'yan ano... walang bearing talaga [sa pelikula]."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Alex sa grand presscon ng pelikulang My Rebound Girl ng Regal Entertainment.

Katambal dito ni Alex ang Kapamilya actor na si Joseph Marco.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapalabas ang pelikula sa mga sinehan simula sa September 28.

BIGGEST BREAK. Kahit may mga nagawa na siyang pelikula noon, masasabi ni Alex na ang My Rebound Girl ang kanyang biggest break to date.

Naramdaman ba niyang hinog na siya para magbida?

Sagot ng 28-year old actress-TV host, “Hindi ko pa rin alam, pero dahil binigyan kami ng Regal ng pelikula at natapos namin, so iniisip ko na lang, kung will ni Lord, matutuloy. Kung hindi, hindi.

“Pero natuloy naman.”

Kinakabahan ba siya sa magiging outcome nito sa box-office?

Aniya, “Iniisip ko yun, pero ayaw mo munang isipin yun na yun yung priority mo.

“Siyempre pag lumabas na yung pelikula, iisipin mo din siya na sana kikita siya.

“Lahat naman yun wala naman na kaming control, ang control lang namin ay ang pelikulang ginawa namin.”

Umaasa si Alex na susuportahan siya ng mga tao sa una niyang pagbibida sa pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Alex Gonzaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umamin si Alex Gonzaga na halos dalawang buwan lang ang itinagal ng relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niya. Mutual naman daw ang naging hiwalayan pero ayaw na niyang idetalye ang tungkol dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results