PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Marco on courting Alex Gonzaga: "I'm not closing my doors. I like Alex very much."

Joseph Marco: I'm not closing my doors. I like Alex very much.
by Rey Pumaloy
Published Sep 16, 2016
Joseph Marco on what he likes most about Alex Gonzaga: "She's very positive pag may problema siya, magaan siyang kasama. Alam mo naman ako na gusto ko yung sa tao, mature, kayang dalhin ang sarili kahit may problema. So, I find it very sexy."

Nilinaw ng Kapamilya actor na si Joseph Marco ang tungkol sa panliligaw niya diumano sa kanyang co-star sa My Rebound Girl na si Alex Gonzaga.

Sa hiwalay na panayam ay inamin ni Alex na nagparamdam si Joseph sa kanya, pero hindi niya masabi kung nanliligaw ba ito.

Read: Alex Gonzaga cannot tell if Joseph Marco is courting her

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph sa presscon ng My Rebound Girl noong September 14, ipinaliwanag nito ang tunay na kuwento sa diumano’y panunuyo niya noon kay Alex.

“Actually, hindi naman talaga na straight na, ‘Uy, puwede ba kitang ligawan?’

“Pero nagparamdam talaga ako sa kanya after… during first season ng Pasion De Amor.”

Unang nagkasama sina Joseph at Alex sa dating ABS-CBN series ma Pure Love, pero hindi raw doon unang nangyari ang interes niyang ligawan ang actress-TV host.

Saad ng Kapamilya actor, “Actually, hindi talaga kami naging ano… mataas pa yung bakod niya sa Pure Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi pa niya talaga ako pinapapasok, alam mo yun? So, hindi ko rin itinuloy talaga.

“Naging close lang talaga kami after Pure Love, and then nung nag-Pasion na ako, doon ko na itinuloy yung interes ko sa kanya.

“Pero hindi ko naman pinull-time press na, ‘Uy, liligawan kita.’

“Parang pinakiramdam ko lang kung ready na ba talaga itong babaeng ito.

“So, nung ipinaramdam niya sa aking hindi pa at marami rin siyang ginagawa noon, sabi ko, maybe in time.”

BLINDED BY ALEX. Naging bulag daw si Joseph sa mga naggagandahan at nagseseksihang leading ladies ng Pasion De Amor para kay Alex.

Ang mga kasama ni Joseph sa nasabing teleserye ay sina Ellen Adarna, Arci Munoz, at Coleen Garcia.

Paliwanag ng aktor, “Siguro hinanap ko siya. Naging ka-love team ko.

“Hindi ko naman sinasabing… alam mo yung sobrang okey rin yung mga kasamahan ko sa Pasion.

“Pero hinanap ko yung Alex Gonzaga, yung sobrang napakatotoo niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“She’s very positive pag may problema siya, magaan siyang kasama.

“Alam mo naman ako na gusto ko yung sa tao, mature, kayang dalhin ang sarili kahit may problema.

“So, I find it very sexy.

“Saka yung mga kasamahan ko sa Pasion, like si Coleen, may boyfriend, which is Billy Joe Crawford.

“Never naman talaga kaming nagkaroon ng chance.

“With Alex, nung nagkasama kami sa Pure Love, we’re both single kaya nakilala ko talaga siya, naging close kami.

“Kaya nong first season ng Pasion, trinay ko na nagparamdam ako sa kanya.

“Hindi ko naman sinabing nanligaw ako, parang nagparamdam ako sa kanya.

“Nakita ko na hindi siya ready, so nirespeto ko yun. Sabi ko, maybe in time.

“Right now, okey naman.”

FORMAL COURTSHIP. Hindi raw isinasara ni Joseph ang posibilidad na pormal niyang ligawan si Alex.

“I’m not closing my doors. I like Alex very much,” sabi niya.

Pero hindi masabi ni Joseph kung kailan niya itutulak ang kanyang interes na ligawan si Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Nong ginagawa namin yung film [My Rebound Girl], siyempre excited akong mag-shooting, excited akong makita siya.

“So, right now, hindi natin masabi.

“Whatever it is na ibibigay niya sa akin, I would respect.

“Pero sabi ko sa kanya, nandito lang ako while I’m single.

“You’ll never know what’s gonna happen.”

Alam ng marami na mahigpit ang mga magulang ni Alex, at dumadaan sa butas ng karayom ang mga nagnanais na manligaw rito.

Katulad ng nangyari sa ate ni Alex na si Toni Gonzaga, na bago sila naging magkasintahan ng mister na niya ngayong si Paul Soriano, ay dumaan muna ang huli sa mga pagsubok.

Komento ni Joseph tungkol dito, “Oo nga, e. Sabi ko nga sa sarili ko, puwede ba ako dito?

“Pero ako naman kasi, once na manligaw ako, kahit gaano pa kahirap ‘yan, I wouldn’t mind.

“If I like the girl, I’m gonna get the girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ayoko ring pilitin ang sarili ko to the point na ipagsisiksikan ko ang sarili ko para magustuhan niya.

“Kasi, in every relationship, it should be mutual para both parties.”

Isa ba sa pumipigil sa kanyang ligawan si Alex ay ang paghihigpit ng parents nito?

Sagot ni Joseph, “No, no, not really.

“Actually, gusto ko nga mahirapan ako.

“Doon sa mga past ko, hindi ko naman sinasabing hindi ako nahirapan, pero parang hindi siya… gusto kong ma-challenge.”

BEING CAREFUL. Nahihirapan ba siyang suyuin si Alex?

“No, no, hindi… I mean, before, yeah.

“Like, parang hindi ko ma-gets ang babaeng ito.

“But now, naiintindihan ko siya, kasi minsan you judge the person easily, e, pag hindi mo pa kilala yung tao.

“Pag kilala ko na siya, naiintindihan ko siya.”

Kung ibabase sa mga galaw at ngiti ni Alex, parang puwede itong bumigay kay Joseph.

Kinontra ito ng Kapamilya actor.

Aniya, “Hindi, hindi siya nagpaparamdam. Ako ang nagpaparamdam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayokong pangunahan, ayokong mag-assume.

“Gusto ko talagang manggaling sa kanya.

“Knowing Alex, alam naman nga nating failed relationships, puro heartaches.

“Hindi natin masisisi na sigurista siya at this point.

“Siguro iniisip niya na showbiz ako, ganito ako.

“Hindi rin natin maiiwasan na baka saktan ko lang siya.

“Talagang natatakot lang siya, takot lang siya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit hindi pa siya ready.”

Nataong may pelikulang lalabas sina Alex at Joseph.

Kaya may mga komento agad na gumagawa lang sila ng ingay para mapag-usapan at sumunod sa kasikatan ng ibang love teams.

Sabi ni Joseph tungkol dito, “I wouldn’t mind kung sabihin nila yun. I don’t care about it.

“I’m just being me. Alex is being Alex.

“We’re here to do whatever it is to be done. We’re genuinely being ourselves.”

Apat na taon na raw single si Joseph.

Ang huli niyang nakarelasyon na isang non-showbiz girl ay umabot lang ng higit isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinubukan na rin daw makipag-date ni Joseph sa ibang mga babae, pero habang inoobserbahan niya ang babae sa mga group dates nila, alam niyang walang mapupuntahan kung magkakatuluyan sila bilang magkasintahan.

Read Next
Read More Stories About
Joseph Marco, Alex Gonzaga
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Marco on what he likes most about Alex Gonzaga: "She's very positive pag may problema siya, magaan siyang kasama. Alam mo naman ako na gusto ko yung sa tao, mature, kayang dalhin ang sarili kahit may problema. So, I find it very sexy."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results