Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpa-reset sa ibang araw ang kampo nina Clarisma Sison at Timothy Tan para sa pagpasa nila ng kani-kanilang counter-affidavits sa reklamong Violence Against Women and their Children Act of 2004 (VAWC) at concubinage na inihain ng aktres na si Sunshine Dizon laban sa kanila.
Sa preliminary hearing sa Quezon City Regional Court (QCRTC) kahapon, September 15, hiniling ng dalawang kampo na sa September 29 na sila magpasa ng kanilang sagot sa reklamo ng Encantadia actress.
Si Sunshine lamang ang dumalo sa hearing.
Sinabi ng aktres na itutuloy niya ang laban kontra sa estranged husband na si Timothy at sa alleged mistress nitong si Clarisma.
Napabalitang nakipag-ayos na diumano si Sunshine kay Timothy na agad naman niyang pinabulaanan.
Pahayag ng aktres sa panayam ng Balitanghali ng GMA News TV ngayong araw, September 16, “It’s so unfair kasi it could ultimately hurt my case.
“Kung may isusulat naman po kayo, sana i-verify naman at yung katotohanan lang.”
Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Dizon quashes reconciliation rumors with estranged husband Timothy Tan
Humihiling naman ng suporta si Sunshine mula sa publiko na manaig ang hustisya sa kanyang laban.
Saad niya, “Please tulungan niyo po ako na magdasal that we ultimately get justice.”
