Engaged na ba ang dating Eat Bulaga! host na si Julia Clarete?
Ngayong araw, Setyembre 16, nag-post si Francis Perez, ang wedding photographer sa kasal nina Isabelle Daza at Adrien Semblat, ng larawan ni Julia kasama ang Irish boyfriend nitong si Gareth McGeown.
Sinamahan niya ito ng caption na: "So excited for you two... congratulations in advance! #fperez #trampatdy #weddings#belleadrien2016"
Limang taon nang magkasintahan sina Julia at Gareth.
Nito lamang September 11 ay dumalo si Julia at kanyang long-time boyfriend sa kasal ng kaibigan at dating co-host sa Eat Bulaga! na si Isabelle kay Adrien sa Tuscany, Italy.
Read: IN PHOTOS: Celebs spotted at Isabelle Daza and Adrien Semblat wedding
Matatandaang noong Enero nitong taon ay biglang umalis ang Kapuso TV host-actress ng Pilipinas at lumipad patungong Kuala Lumpur, Malaysia, upang ayusin ang ilang bagay sa kanyang personal na buhay.
Read: Julia Clarete explains sudden decision to leave Eat Bulaga!