Julia Clarete explains sudden decision to leave Eat Bulaga!

Nilinaw ni Julia Clarete ang isyung may nakaalitan diumano siya sa Eat Bulaga kaya siya biglang umalis sa show. Desisyon daw nila ito ng kanyang longtime boyfriend dahil gusto na nilang pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng sarili nilang pamilya.


Nagbigay na ng mas malinaw na paliwanag ang dating Eat Bulaga! host na si Julia Clarete kung bakit siya biglang nawala sa noontime show ng GMA Network.

Sa panayam niya sa 24 Oras, sinabi ng TV host-actress na nahirapan siyang iwan ang Eat Bulaga! dahil halos sampung taon na nagsilbing tahanan ang show para sa kanya.

Pero kailangan daw itong gawin ni Julia dahil, sa pagkakataong ito, mas gusto naman daw niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang personal na buhay na hindi niya magagawa habang nagdi-daily show.

Saad niya, “Magpa-five years na po kami ngayon [ng aking boyfriend].

"We decided na maybe we can move on... something that what we have.

“Mag-level up na kami.”

Nitong nakaraang linggo, bigla na lamang nawala si Julia sa Eat Bulaga! at hindi man lamang ito pormal na nagpaalam na aalis na siya sa show.

Sa kanyang Facebook page na lamang humingi ng dispensa si Julia sa kanyang biglaang pag-alis.

Dito na rin niya sinabing sa Kuala Lumpur, Malaysia, na siya titira kasama ang kanyang long-time boyfriend.

Read: Why did Julia Clarete leave Eat Bulaga!?

PREGNANCY RUMOR. Pinabulaanan din ni Julia na kaya siya nagdesisyong umalis sa Eat Bulaga! ay dahil buntis na ito.

Hindi rin daw totoo na may nakaalitan siyang kasamahan sa show kaya siya nawala.

Maayos daw ang kanyang pagpapaalam sa mga namumuno, kasamahan, at mga staff ng longest-running noontime show sa bansa.

Mensahe pa niya, “I would like to ask everyone to have the same wish for me.

"Imbes po na malungkot kayo, sana po ipagdasal niyo ako na maging buo na po yung desisyon ko, maging masaya ako.”

Isa pang kinasasangkutang isyu ni Julia ay ang diumano’y pagiging third party nito sa hiwalayang Ciara Sotto at Jojo Oconer.

Ngunit si Ciara na mismo ang naglinis ng pangalan ng kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Julia Clarete is back; visits Ciara Sotto's home amid "third party" rumor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN