Sumagot si Sunshine Dizon sa ilang netizens sa kanyang Instagram post kamakailan, partikular ang isang basher na inakusahan siyang “sooooo dramatic.” sa gitna ng legal battle na pinagdadaanan ng Kapuso actress laban sa kanyang asawang si Timothy Tan at ang diumano'y kalaguyo nito na si Clarisma Sison.
September 13, nag-post ang Encantadia star sa Instagram ng official statement hinggil sa mga maling impormasyong lumabas tungkol sa kanya, sa dating asawa, at sa mga reklamong inihain niya laban sa mga ito.
Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Dizon quashes reconciliation rumors with estranged husband Timothy Tan
Sa comments section ng nasabing post, isang netizen (@lovelyforeverbitch) ang nag-message kay Sunshine at tila minamaliit ang pinagdadaanan niya.
Inakusahan pa nito ang aktres na ginagawang “sooo dramatic” ang kanyang sitwasyon.

Buwelta naman ng aktres sa nasabing basher: “I wish you never go through what women like me have to endure. God bless you.”

Isa namang netizen (@liviedgc) ang nagtanggol kay Sunshine at nakipagsagutan sa basher.

Nag-iwan din ng mensahe si Sunshine sa nasabing defender kung paano pakitunguhan ang mga basher.
Aniya, “Wag na po patulan mga makitid na tao. Damn if you do damn if you don't. Pointless mag-argue sa mga taong ganyan.”

Samantala, may isang netizen (@candysturm) ang tumawag na “bobo” sa media matapos klaruhin ni Sunshine ang ilang maling impormasyong naisulat tungkol sa kanya.

Pinayuhan naman ni Sunshine ang nasabing netizen na huwag lahatin ang media dahil mayroon pa rin naman daw matitino.

