Sa isang pambihirang pagkakataon, namataang magkasama ang Kapuso actor na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa isang pagtitipon nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 15.
Parehong endorsers sina Alden at Kathryn ng isang local brand ng notebook na nagdaos ng party.
Nakunan ang dalawa na magkatabi sa kanilang kinauupuan at sandaling magkausap sa backstage.
Sa program proper, hinarana ni Alden ang audience sa pag-awit ng “God Gave Me You.”
Alden at Sterling Paper 70th Anniversary ????@aldenrichards02 @mainedcm #ALDUB61stWeeksary @ALDENaticsMKT pic.twitter.com/zfVdnLyrfM
— ???? (@menggalurks) September 15, 2016
Habang si Kathryn naman ay kumanta ng “All About That Bass.”
Kathryn singing "All About That Bass" for Sterling's 70th Anniversary! ♥ pic.twitter.com/ybEyKynNRF
— Joche (@jochendria) September 15, 2016
Hindi ito ang unang pagkakataong nagkrus ang landas nina Alden at Kathryn.
Matatandaang noong April 17, parehong dumalo ang AlDub loveteam nina Alden at Maine Mendoza at tambalang KathNiel nina Kathryn at Daniel Padilla sa awards night ng 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Dito ay namataang kinamayan nina Alden at Maine ang kapwa awardees na sina Kathryn, Daniel, at James Reid.
Tiyempo kasing napadaan ang Kapuso loveteam sa hilera ng upuan kung saan nakapuwesto ang Kapamilya stars.
Read: AlDub interacts with KathNiel, James Reid at an awards night
