Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

IMAGE Jake Ejercito / Andi Eigenmann Instagram accounts

Biglang isiniwalat ng half-sister ni Andi Eigenmann na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang ama ng anak nitong si Ellie. Kaya hindi na raw dapat magtataka ang mga tao sa madalas na pagpu-post ni Jake ng bonding moments nila ni Ellie dahil napag-usapan daw nila ni Andi na sabay silang magpapalaki sa bata.



Biglang isiniwalat ni Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Si Max ay half-sister ni Andi sa yumaong aktor na si Mark Gil.

Ang ina ni Max ay si Bing Pimentel, habang ang ina naman ni Andi ay si Jaclyn Jose.

Nangyari ang pagsasalita ni Max tungkol dito sa podcast ni Mo Twister na Good Times With Mo Twister kagabi, September 22.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa isang bahagi ng halos dalawang oras na podcast (conversation starts at 1:24:30) ng kontrobersiyal na radio DJ, tinanong niya ang co-host na si Max (kasama si Benj Mudie) kung ano ang masasabi nito sa away-bati na relasyon nina Andi at ni Jake.

Sabi ni Max, “It doesn’t bother me, whatever. They’re always like that.”

Ayon kay Mo, gusto pa naman daw niya ang dalawa bilang couple.

Sagot ni Max, “Yeah, me too. And you know that he’s the father of my niece, right?”

Sagot ni Mo, alam naman daw niyang tumatayong non-biological father si Jake kay Ellie.

Pero giit ni Max, “No, no. Yes, he is [the biological father]. They did a test. Yeah, he’s the dad.

“He’s the dad. They’re co-parenting.

“That’s why he always posts photos of my niece.”

Hindi naman daw kinailangan ni Jake ng visitation rights, ayon pa kay Max, dahil nakikita naman niya ang anak kung anong oras o araw niya gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magli-limang taon na sa November 23 si Ellie.

TWITTER SPAT. Nitong nakaraang Agosto lamang ay nagpatutsadahan sa Twitter sina Andi at Jake.

Nalaman lang daw ito ni Max nang may nagparating sa kanya.

Read: Jake Ejercito calls Andi Eigenmann 'fake'; Andi calls Jake 'talentless'

Noong tinawagan daw ni Max ang kapatid, ang sabi lang daw nito: “You know naman us, we always fight over this, over that.”

Sinabi rin ni Max na isang taon na ang relasyon ni Andi sa isang surfer.

Aniya, “My sister has a boyfriend for like a year now, the surfer guy, who’s the younger brother of my friend, coincidentally.”

Wala pang reaksiyon ngayon sina Andi at Jake tungkol sa rebelasyon ni Max.

Sa rebelasyong ito ni Max matatapos na marahil ang pagdududa ng ilan kung sino ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Matatandaang nang mabuntis si Andi noong 2011, ang itinuturong ama ay ang ex-boyfriend nitong si Albie Casino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Jaclyn Jose confirms Andi Eigenmann’s pregnancy: 'Yes, it’s true, my daughter’s pregnant.'

Read: Andi Eigenmann names Albie Casio as the father of her child
Ngunit pinabulaanan ito ng kampo ni Albie, na siyang naging dahilan ng hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya.
Ngayon ay nagkaayos na raw sina Andi at Albie.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN