Bea Alonzo admits going out with Gerald Anderson: "Hindi naman kami nagtatago."

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo on going out with Gerald Anderson: "Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan."


Hindi itinanggi ni Bea Alonzo na madalas pa rin silang lumalabas ni Gerald Anderson.

May ilang beses kasi na nakitang magkasama ang dating magkasintahan kahit tapos na ang kanilang pelikulang How To Be Yours.

Read: Bea Alonzo and Gerald Anderson dating again?

Oo, we go out. We go out a lot, with friends,” pag-amin ni Bea nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters sa ginanap na launch ng Fujifilm A-X3 camera kahapon, September 24.

Para kay Bea, wala raw problema kung makita sila ni Gerald na magkasamang lumalabas.

Katuwiran ng Kapamilya actress, “Hindi naman kami nagtatago.

“We go out. Wala namang masama. Parang wala naman kaming nasasaktan.”

Gayunman, tumangging magbigay ng anumang detalye si Bea sa kung ano ang estado ng relasyon nila ni Gerald ngayon.

Pakiusap niya, “Parang ang pangit mag-share ng mga personal, and babae ako.”

Pero siniguro niya na kung may pagbabago man sa kanilang pagkakaibigan ngayon, “Ise-share namin. It's not something that we will keep a secret.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang oras matapos ang event, nag-post ang isang fan group nina Bea at Gerald sa Instagram ng larawan ng dalawa na magkasama.

SPOTTED BeaRald at Grill Seoul | ctto #bearald #geraldanderson #beaalonzo

A photo posted by BEA ALONZO & GERALD ANDERSON (@bearald.universe) on

Dinner Time ???? ROSA TEAM #FTW #beaalonzo #geraldanderson #bearald

A photo posted by BEA ALONZO & GERALD ANDERSON (@bearald.universe) on

Sa ngayon, abala si Bea sa upcoming teleserye niya kasama sina Iza Calzado at Ian Veneracion, ang A Second Wife.

Read: Bea Alonzo explains new teleserye The Second Wife won't tackle infidelity

Samantalang si Gerald naman ay magiging bida sa teleseryeng Because You Love Me.

Read: Is Kim Chiu reuniting with ex-boyfriend Gerald Anderson for Because You Love Me?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN