Sinagot ni Kim Chiu ang isang basher na pumuna sa kanyang paghu-host sa It’s Showtime.
Noong Huwebes, September 22, ay nag-guest muli ang singer-actress para humalili sa mga absent na hosts ng nasabing programa.
Una munang nag-tweet si Kim na papunta na siya sa set ng It’s Showtime matapos niyang makinig ng misa sa feast day ni Padre Pio.
Bagamat maraming fans ni Kim ang na-excite sa paglabas niya muli sa noontime show, isang netizen na may handle name na @14xylon ang kumontra dito at sinabing sana ay ibang guest co-host na lang ang kinuha nila.
Tinawag ng basher na “bungisngis” si Kim at sinabing “nakakairita” ang tawa niya.
@itsShowtimena @prinsesachinita AYSUS ANJAN NA NAMAN C BUNGISNGIS! KUNG C ALEX GONZAGA OR MAJA NLNG KINUHA NYO MAS MASAYA PA! #REALTALK
— xylon (@14xylon) September 23, 2016
@itsShowtimena @prinsesachinita YUNG TAWA NI KIM NAKAKAIRITA! TAPOS SAPAW PA SYA SA MGA HOSTS JAN SA ST KALA MO SYA MAIN HOST E!!! ????????
— xylon (@14xylon) September 23, 2016
Sinagot naman ni Kim ang nasabing basher at sinabing, “PASENSYA PO. Tao lang!! God bless ate!”
@14xylon PASENSYA PO Tao lang!! God bless ate!????????
— kim chiu (@prinsesachinita) September 23, 2016
Nang sagutin siya ni Kim ay hindi pa siya tinigilan ng basher at nagbanggit pa ng kanyang mga napuna sa tuwing maggue-guest host ang aktres.
@prinsesachinita MATUTO KA KASING LUMUGAR DI KA NAMAN MAIN HOST! TSAKA DI PA NAKAKAPAG GONG C JHONG SUMASABAT KA NA AGAD! ????
— xylon (@14xylon) September 23, 2016
@prinsesachinita SI VICE ILANG BESES NA NA DI NYA NATUTULOY SASABIHIN NYA KASI UMI-EPAL KA KAGAD! BUTI PA SILA ANGEL LOCSIN MARUNONG LUMUGAR
— xylon (@14xylon) September 23, 2016
Hindi na sinagot ni Kim ang basher.
Bago maganap ito ay nag-tweet ang aktres noong September 20 tungkol sa ibang bashers na walang tigil ang panglalait.
Napuna rin niya na hindi nakokontento ang iba sa iisang account lang, at posible raw na gumagawa pa ang mga ito ng 100 Twitter accounts para lang mang-bash.
Ang nasabi na lang niya sa mga ito, “Sayang oras niyo po.”
Read: Kim Chiu baffled by bashers: 'Why is it that some people spend a lot of time para mang-bash?'
Regular na kinukuha ng It’s Showtime na co-host si Kim sa tuwing may mawawala sa female hosts ng programa na sina Anne Curtis, Karylle, Amy Perez, at Mariel Rodriguez-Padilla.
Sa kasalukuyan ay wala si Mariel sa programa dahil ito ay naka-maternity leave.
Nitong nakaraang Mayo ay kinuhang host si Kim para sa The Voice Kids Season 3.
