PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla: "Kapag ako nagseselos, galit talaga ako."

Daniel Padilla has message to other guys who would attempt to pursue Kathryn Bernardo.
by Rachelle Siazon
Published Sep 26, 2016
During their guest appearance on PEPtalk, Daniel Padilla maintains that Kathryn Bernardo is off limits to potential suitors.

Aminado si Daniel Padilla, 21, na seloso siya pagdating sa rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo, 20.

“Kapag ako nagseselos, galit talaga ako. Hindi ako basta lang nagseselos,” pahayag ng Kapamilya actor.

Hindi raw siya yung tipo na palambing lang kung magselos.

“Galit agad,” pag-ulit ni Daniel.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Daniel at Kathryn sa kanilang guest appearance sa PEPtalk ngayong Setyembre.

Nang tanungin ng PEP kung sino ang pinagselosan niya, agad nilinaw ng binata na hindi raw niya hahayaang may ibang makaporma kay Kathryn.

“Hindi. Wala naman umaano kay Kathryn. Wala ring susubok,” sabi ni Daniel patungkol sa ibang lalaking susubok na manligaw kay Kathryn.

Sa parte ni Kathryn, inamin niyang selosa rin siya lalo na kapag may ibang babaeng sumusubok na mapalapit kay Daniel.

Hirit ng Kapamilya actress, “Sa kanya maraming sumusubok. Kaya ako, parati... Hindi, joke lang!”

Anong ginagawa ni Kathryn kapag nagseselos siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “E, di nagagalit ka. Hindi pa-cute na galit. Magagalit ka talaga.”

Idinaan ni Kathryn sa biro ang kanyang babala sa sinumang babaeng aaligid kay Daniel.

“Maraming pasaway. Ang sarap pitikin!

“So, kung nanonood ka ngayon... Joke lang! Sapakan talaga pag nakita. Joke lang!”

Tanong ulit ng PEP: Sa mga pagkakataong nagkakatampuhan sila ni Daniel, sino ang mas nauunang mag-sorry?

Sagot ni Daniel, “Ako yun!”

Sabi naman ni Kathryn, “Depende kung sino may mali. Sometimes ako or siya.”

Ang mahalaga ay naaayos daw nila ang kanilang tampuhan.

Sabi ni Daniel, “Dinadaan sa usap talaga. Ganun naman yung pinakamagandang gawin.”

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tahasang inaamin nina Daniel at Kathryn kung opisyal na silang magkarelasyon.

Ngunit matatandaang 2014 pa lang ay naiulat na sa PEP na "in a relationship" na silang dalawa.

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla in a relationship, say sources

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
During their guest appearance on PEPtalk, Daniel Padilla maintains that Kathryn Bernardo is off limits to potential suitors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results