Melason together again; Melai expecting second child with Jason

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2016
Inanunsiyo ni Melai Cantiveros na nagkabalikan na sila ni Jason Francisco at nagdadalantao na siya sa pangalawa nilang anak.

Hulyo ngayong taon napabalitang tuluyan nang naghiwalay sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Pero matapos ang halos tatlong buwan, muling nagkaayos ang mag-asawa.

Sa live episode ng Magandang Buhay ng ABS-CBN ngayong Biyernes, September 30, inihayag ni Melai na naayos na nila ni Jason ang anumang gusot na namagitan sa kanilang panandaliang hiwalayan.

Panimulang kuwento ni Melai sa mga kasamahang hosts na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal tungkol sa lagay ng kanyang puso, “Dati kasi may low pressure area, ngayon nilabas na ang low pressure area, sunshine na siya.”

MELASON, ONCE AGAIN. Kasunod na tinanong ni Jolina kung mayroon pa bang Melason, ang tawag sa love team nina Melai at Jason na nagsimula sa Pinoy Big Brother Double Up noong 2012.

Tugon ni Melai, “Siyempre naman, meron talaga, Melai and Jason.

“Sobrang mahal namin ang isa’t isang mag-asawa.

“Talagang napagtagumpayan namin ang mga pagsubok na dumating dahil sa mag-asawa, ganun naman talaga.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Melai, nahiya sila sa Diyos sa nangyari sa kanila dahil sumumpa silang dalawa sa altar na magsasama sila habambuhay.

Aniya, “Una kaming nahiya kay Lord, pangalawa na yung sarili namin at sa anak namin.

“Kasi dapat hindi niyo dapat gawin ito, kasi sagrado yung kasal, e.

“Kaya talagang pinush namin na maging okay kaming mag-asawa.”

Dagdag pa ng comedienne-TV host, “Pero thank you Lord, napagtagumpayan ko.

“Talagang si Lord lamang ang kinapitan ko, tsaka si Mela at kayong dalawa [Karla and Jolina].”

ROAD TO RECONCILIATION. Tanong ni Karla kay Melai kung gaano kahirap para sa kanilang dalawa ni Jason noong mga panahong sinusubok ang kanilang pagsasama.

Saad ni Melai, “Sobrang hirap, nakita niyo naman ang mukha ko. Para talaga akong dumaan sa kuwan… parang binagyo.

“Every now and then, kapag may mga music [akong naririnig], iyak ako nang iyak.

“Kapag may mga couple-couple akong nakikita, iyak ako nang iyak. Parang hindi ko talaga kaya.”

Continue reading below ↓

Pero naging professional daw siya at isinantabi ang mga problema kapag nakaharap na siya sa kamera.

Nitong nakaraang mga linggo, nagbakasyon si Melai kasama ang anak at ang kanyang pamilya sa Bohol.

Dito raw niya napagtanto ang importansiya ni Jason sa kanilang pamilya.

“Nung bakasyon sa Bohol, hinahanap ni Mela si Jason... papa’s girl, e.”

Doon na raw labis nadurog ang puso ni Melai, kaya naman gumawa siya ng paraan upang dalawin sa Mindoro ang asawa.

Dito na raw nila pinag-usapan ang mga bagay na hindi nila napagkaintindihan.

Sabi ni Melai, “Ginive time namin yung isa’t isa na mag-heal yung puso namin.

“Kasi kung alanganin yung pag-aayos niyo, mag-aaway ulit kayo, e.

“So, talagang binigyan namin ng space ang isa’t isa.

“After nun, nag-adjust kami sa sa isa’t isa. Nag-respect kami sa mga away at sa hindi at nag-accept kami sa mga [mali namin].

“Kasi dun ko na-realize na ang lesson ko pala dito ay kapag nag-asawa ka pala, dun mo makikilala ang asawa mo.

Continue reading below ↓

“Pero huwag lagi na ang asawa mo lang [ang kilalanin mo], kasi nakilala mo din kung paano ka sa asawa mo.

“So, nakilala ko na may pagkukulang din, may pagkukulang kami sa isa’t isa, kaya pupunan namin ito sa aming bagong chapter sa life.”

Dagdag pa ni Melai, dapat daw laging bukas ang communication sa mag-asawa.

ADDITION TO THE FAMILY. Dito na rin inanunsiyo ni Melai na madadagdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya dahil nagdadalantao siyang muli.

Ipinakita rin niya ang sonogram ng kanyang ipinagbubuntis.


Continue reading below ↓

Masayang sambit ni Melai, “Mga kapamilya, may bago kaming blessing ni Jason, at magiging ate na si Mela.

“Siya ang sinasabi naming bagong kapamilya dito sa Magandang Buhay. Ten weeks akong pregnant.

“Ako, sobrang saya ko talaga nung nalaman ko na buntis ako!

“Siyempre alam ko agad kasi hindi ako dinugo, e. Pagka-pregnancy test ko, unang nakaalam si Mela.

“Tapos sinabi ko kagaad kay Jason, tapos sobrang saya niya na madadagdagan na ang aming family, kaya happy family kami.”

Dito na pumasok sa studio sina Jason at si Mela.


Continue reading below ↓

Umiiyak nja sinabi ni Melai na mahal na mahal niya ang kanyang asawa at ang kanilang anak, pati na ang paparating nilang supling.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inanunsiyo ni Melai Cantiveros na nagkabalikan na sila ni Jason Francisco at nagdadalantao na siya sa pangalawa nilang anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results