President Rodrigo on Hitler remark: "I apologize profoundly and deeply to the Jewish community."

IMAGE Mark Atienza

"I would like to make it [clear] here and now that there was never an intention on my part to derogate the memory of the six million Jews murdered by the Germans," said President Rodrigo Duterte during his speech at Masskara Festival in Bacolod, Sunday, October 2.


Pormal nang humingi ng dispensa si President Rodrigo Duterte sa Jewish community dahil sa kanyang pahayag na handa siyang maging mala-Adolf Hitler sa kanyang pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa.

Read: President Duterte willing to be like Hitler in his war on drugs

Pahayag ni President Duterte, “I apologize profoundly and deeply to the Jewish [community].

“It was never my intention... But the problem was I was criticized using Hitler comparing to me.”

Sa kanyang talumpati sa Masskara Festival sa Bacolod, nitong Linggo, Oktubre 2, nilinaw ni President Duterte na ang kanyang detractors ang unang nagbansag sa kanya na Hitler.

Kaugnay daw ito ng tahasan niyang pagsabi na handa siyang pumatay ng mga nagtutulak at gumagamit ng droga.

Paliwanag ni President Duterte, “By the way, yung statement ko, kasi ang sabi ng tao, ‘Eto si Duterte, Hitler ‘to e, killer.’

“E, di sinabi ko rin sa airport pagdating ko, ‘O, sige, si Duterte ako, killer ako.’

“Nag-react ang Jewish community all over the world.”

Dagdag niya, “I would like to make it [clear] here and now that there was never an intention on my part to derogate the memory of the six million Jews murdered by the Germans.”

Giit pa ni President Duterte, nais lamang niyang idiin na seryoso siya sa kanyang hangaring masugpo ang droga sa bansa.

“I was very emphatic patayin ko 'yang three million na ‘yan,” pagtukoy ng pangulo sa bilang ng mga gumagamit ng droga.

Patuloy niya, “It had nothing to do with...

“But perchance, if there was something really a bad taste on the mouth to say. Pero yung Jewish community lang [ang humihingi ako ng paumahin].”

Sa huli, nagpatutsada ang pangulo sa mga todong pambabatikos sa kanya na labas sa Jewish community.

Lalo pa't hindi raw nakakarating sa international media ang panig niya sa tuwing may kritisismong ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Itong mga b*b* na abugado sa E.U. pati sa human rights... Screw you. Sipain ko pa kayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN