Krista Miller tagged as drug supplier by arrested models

IMAGE Courtesy: QCPD

Ilang reklamo na may kaugnayan sa ilegal na droga ang kinakaharap ngayon ng starlet na si Krista Miller. Pansamantalang nakakulong si Krista sa Quezon City Police District matapos maaresto ng kapulisan nitong nakaraang Biyernes, September 30.


Na-inquest na si Krista Miller (Kristalyn Engle sa totoong buhay) at ang kasamahan nitong si Aaron Villanueva Medina sa harap ni Valenzuela Assistant City Prosecutor Ronald Allan Juan kahapon, October 2.

Ito ay kaugnay ng paglabag diumano nina Krista at Aaron sa Sections 5 at 26 ng Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 1992.

Read: Starlet Krista Miller arrested in buy-bust operation in Quezon City

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), diretsong itinuro sina Miller at Medina ng mga nahuli ng mga operatiba ng pulisya na sina Liaa Alelin Bolla at Jeramie Padolina na diumano’y nagbebenta sa kanila ng ilegal na droga.

Kaya naman nagsawa ng buy-bust operation ang QCPD, katuwang ang Valenzuela police, noong Biyernes, September 30.

Nahuli mula kina Miller at Medina ang boodle money, ilang cellphones, pera, at isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa gas station sa may T. de Leon Street, Valenzuela City.

Nakumpiska pa sa dalawa ang isang motorsiklong walang plate number.



Ayon pa sa statement ni QCPD acting district director Police Senior Supt. Guillermo Eleazar, “These accomplishments illustrate how relentless and coordinated QCPD anti-criminality efforts are, including the war on drugs.

“Once we have a tip, we act and squeeze out all leads that we can.

“That is why I urge people involved in drugs to surrender now and avoid adverse publicity which can ruin their careers, especially those in showbiz whom the masses look up to.”

Si Krista Miller ang pangalawang artista na nahuli kaugnay ng kampanya ng administrasyong Duterte sa illegal drugs.

Nauna na sa kanya ang dating sexy star na si Sabrina M.

Read: (UPDATED) Former sexy star Sabrina M arrested in buy-bust operation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN