Ryan Agoncillo explains reason for buying a house in Las Vegas

IMAGE Nimfa Chua

Ryan Agoncillo on surprising his wife Judy Ann Santos with a new house in Las Vegas: "It was just a special moment."


Katulad ng maraming netizens, kinilig din daw si Ryan Agoncillo nang makita niya ang video nila ng misis niyang si Judy Ann Santos sa kanilang bagong bahay sa Las Vegas.

Read: Did Ryan Agoncillo buy a new house in Las Vegas for wife Judy Ann Santos?

“Wala, nagti-trip na lang kaming mag-asawa nun!” natatawang sabi ni Ryan nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa sorpresa niya kay Judy Ann noong nakaraang buwan.

Nakausap ng PEP si Ryan sa ginanap na pa-birthday party ng Lactum 3+ para sa anak niyang si Lucho noong Sabado, October 1.

i love you judy anne???? #dirtyvegas

A video posted by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Patuloy ng Eat Bulaga! Dabarkads, “You know, it was a happy moment for us.

I wanted to share it to everyone 'cause it was a very special moment.”

Ipinaliwanag din ni Ryan ang dahilan kung bakit sila bumili ng bahay sa Amerika.

Aniya, “When we bought the house... it was last year.

We bought it kasi the market was good for buying a house.

As an investment, we went on with it.

I went there in Las Vegas last year to fix the house.

Hindi ko nga natapos so we had a handyman to do it.”

Hindi raw agad nakita ni Judy Ann ang bahay dahil ipinanganak nito ang kanilang ikalawang anak na si Luna.

Lahad ni Ryan, “First time niyang makita nitong trip namin noong September kasi na-CS [caesarean] siya kay Luna.

We're supposed to have summer there but we couldn't because she couldn't travel.

That's the first time she saw it. We came from a long drive from L.A.

It was just a special moment, the sun was rising.

Our friends took the video and I'm just like... you know, kahit ako pinanood ko.

Sa aming mag-asawa, we had a moment. For us it was awesome.

We're happy that people enjoyed it, too.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin nito ay may balak silang manirahan sa Las Vegas?

Sagot ng Cash Cab Philippines host, Well, it's an investment opportunity that opened up.

Ang unang usapan is it's gonna be an investment.

It turns out that she likes the house. She loves the location.

I mean, it's a humble home that's just enough for us. Hindi naman siya magarbo, e.

So, we'll see what the future holds for us.”

#RELATIONSHIPGOALS. Dahil sa mga nakikita ng publiko sa kanilang social media accounts, marami ang nagsasabing magandang huwaran sina Judy Ann at Ryan, o kung tawagin ngayon bilang #relationshipgoals.

Natutuwa daw si Ryan na ganito ang tingin sa kanila ng ibang mag-asawa o magkasintahan.

Ngunit paglilinaw niya, “There are other couples also that we look up to.”

Gayunman, itinuturing daw nila itong inspirasyon para mas mapabuti ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Sabi ni Ryan, “I guess if other couples want to emulate us, ayos din. I hope it does them good.

“Kasi, di ba, you choose, you intend to cherry pick the things that you like, what works for you. It's not naman everything.

Other couples that we look up to, not everything they do works for us as well.

“I hope they get to choose [what's best for them]. I mean, we have bad days, too.

“But the good ones, I hope it tells a lot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN