PEP EXCLUSIVE. Vina Morales on filing charges vs Cedric Lee: "To show him that no one is above the law."

IMAGE Reielle Deslate

Ayon kay Vina Morales, sumusunod lang sila sa mga panuntunan sa batas kaya niya sinampahan ng tatlong reklamo si Cedric Lee at ang kapatid nitong si Bernice Lee. Dagdag pa ng singer-actress, nasa likuran niya ang kanyang buong pamilya sa laban niyang ito sa dating kinakasama.


Kinumpirma ni Vina Morales na tatlong reklamo ang inihain niya laban sa dating karelasyon na si Cedric Lee sa Mandaluyong Regional Trial Court (MRTC) nitong nakaraang Setyembre.

Ito ay kaugnay ng sapilitang pagtangay diumano ni Cedric sa kanilang anak na si Ceana sa loob ng siyam na araw.

Saad ni Vina sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, October 3, “Sa nangyari sa amin, alam naman ng lahat na nine days hindi naibalik ang anak ko.

“So with that, we filed kidnapping, illegal detention, kasi nandoon din yun si Bernice [Lee, Cedric's sister], and VAWC, Violence Against Women and their Children. Tatlo.”

Dagdag pa ng singer, hindi lang daw niya ito laban kundi laban ng kanyang buong pamilya.

“Actually, my witness are my sisters, sina Shaina at Ate Shiela.

“So, my family are fighting for with what’s happening sa mga kaso namin.

“So, buong pamilya kami. Suportado nila ako.”

Ano ang gusto niyang maging kinahitnatnan ng isinampang reklamo laban sa estranged partner?

Tugon ng singer-actress, “Actually, kasi di ba ang dami rin naman nilang pinayl na complaint sa akin?

“It's just a complaint though, wala pa naman sa korte yun, but that’s how many libels.

“Kasi nga daw, kaya daw sila nag-file ng libel sa akin dahil para ayaw daw niya masira yung reputation niya.

“So, kaya sila nag-file ng case against me dahil ayaw nilang masira ang reputation niya.

“So, kung ‘yan ang paniniwala niya, so okay lang. I have no choice but also defend myself.

“May batas naman tayo, sumusunod lamang kami dun, just to show him that no one is above the law.”

Ipinauubaya na raw niya ito sa kanyang abugado na si Atty. Lucille Sering.

Kaugnay ng isinampang reklamo ni Vina, nagbiro si Cedric sa hiwalay na panayam ng PEP nami-miss na niya ang kanyang mga dating kakosa at hihintayin na lamang daw niya ang kanyang warrant of arrest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee confirms multiple charges filed by Vina Morales against him

Sabi ni Vina tungkol dito, “Kung yun ang wish niya, sige pagbigyan natin.”

Nakausap ng PEP si Vina matapos ang #PEPJams shoot para sa nalalapit niyang konsiyerto na Vina@Thirty, na gaganpin sa Kia Theatre sa October 14.

Mapapanood naman ang kanyang pagbirit sa #PEPJams sa susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN