Jake Ejercito and daughter Ellie get love and support from family members

IMAGE @unoemiliorocks

Suportado ng mga kapatid ni Jake Ejercito ang kanyang tila pag-amin na anak nga niya si Ellie Eigenmann. Sa pamamagitan ng komento sa Instagram, inihayag nina Jerika at Jacob Ejercito ang kanilang pagmamahal sa kanilang tinaguriang 'princess' at 'angel' sa pamilya.


Matapos ang tila pag-amin ni Jake Ejercito kung ano siya sa buhay ni Ellie Eigenmann, maraming netizens ang pumuri sa binata sa hindi nito pagtalikod sa kanyang responsibilidad sa anak nila ni Andi Eigenmann.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, nagbahagi si Jake ng mensahe para kay Ellie sa hinaharap.

Inihayag ni Jake sa mensahe ang kanyang labis-labis na pagmamahal kay Ellie.

Read: Jake Ejercito posts emotional message for future Ellie

Matapos maging viral sa social media ang kanyang post noong Linggo, October 2, nagpasalamat si Jake sa mga nakaunawa sa kanyang sitwasyon.

EJERCITO FAMILY. Umabot na sa halos tatlong libo ang mga komento sa post na ito ni Jake.

There will have been a lot of things you've heard and read by now and I'm glad you've somehow stumbled upon this. Cause this is one of the very few truths that matter. It may have taken me years to find out by myself, but I've been here for you even before your first precious breath- nothing and no one has or will ever change that. You've only brought good things to my life and I promise to do the same to you a hundredfold. Know that everything has been and will always be for you. And that I will hold your hand the whole way through. I can't wait till you start asking me questions. Although words will certainly fail to express how much I love you, our love story is filled with fun, optimism, and immeasurable bliss. It's a story of a million beautiful memories that no one can ever take away from us and I'd endlessly be proud to share it with you. As we always tell each other whenever we part ways or go to sleep, you will always be my princess and I, your first love. Stay real and stay bright, my love x

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Bukod sa followers at netizens, sunud-sunod din ang mga mensahe ng mga kamag-anak ni Jake tungkol sa kanila ni Ellie.

Sabi ng kanyang kapatid na babae na si Jerika Ejercito, itinuturing nilang ‘princess’ si Ellie sa kanilang pamilya.


Ang kanya namang kapatid na lalaki na si Jacob Ejercito ay tila nanggigil pa sa pamangkin.


Si Precy Ejercito naman, na asawa ng kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada, ay nagpahayag din ng pagmamahal kina Jake at Ellie.


Pati na ang mga pamangkin ni Jake na sina Jel Estrada at San Juan Vice Mayor Janella Estrada ay nagparamdam din ng kanilang pagmamahal kay Ellie.



Lumabas ang katotohanang si Jake ang ama ni Ellie matapos itong sabihin ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann sa podcast ng Good Times With Mo Twister noong September 22.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Dahil dito, tila nabunutan daw ng tinik ang dibdib ni Albie Casino, na siyang itinuturo noon ng kampo ni Andi na ama diumano ng kanyang ipinagbubuntis.

Read: PEP EXCLUSIVE. Albie Casio 'relieved' that the 'truth' is finally out

Sa isang pahayag, sinabi aman ni Andi na sana raw ay irespeto ang privacy ng bata pero hindi pa rin nito kinumpirma kung si Jake nga ba ang ama ni Ellie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN