Mark Anthony Fernandez tests negative for shabu, positive for marijuana

IMAGE Mark Anthony Fernandez's Instagram

Mark Anthony Fernandez's drug test result shows that he is negative for methamphetamine, but positive for THC-metabolites or marijuana. 


Lumabas na ang resulta ng drug test ni Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang naka-detain sa Station 6 ng Angeles City Police sa Pampanga.

Sa kopya ng resulta ng drug test ni Mark, nakasaad na negatibo sa metamphetamine o shabu ang aktor.

Ngunit positibo siya sa THC-metabolites na itinuturing na “dangerous drugs” at matatagpuan sa marijuana.

Base ito sa live tweet ng GMA News reporter na si Jun Venaracion ngayong Martes, Oktubre 4.

ALLEGED POSSESSION OF MARIJUANA. Nahaharap si Mark sa reklamong paglabag sa R.A. 9165 o An Act Constituting the Comprehensive Drugs Act of 2002.

Ito ay matapos mahulihan diumano si Mark ng isang kilong marijuana sa loob ng minamaneho nitong dilaw na sports car.

Ngunit mariing itinanggi ng 37-year-old actor na may dala siyang marijuana nang siya ay inaresto ng pulisya.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

GIRLFRIEND'S VISIT. Samantala, namataan din ang girlfriend ni Mark na bumisita sa aktor sa loob ng police station.

Matatandaang July 2015 nang kumpirmahin ni Mark ang tungkol sa relasyon nila ng isang modelong nagngangalang Diana.

Ito ay isang taon mula nang maiulat ang tungkol sa hiwalayan ni Mark at ng misis niyang si Melissa Garcia.

Read: Mark Anthony Fernandez says son is mature enough to understand his separation from wife Melissa


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN