Mark Anthony Fernandez charged with non-bailable offenses

IMAGE Screen grab from GMA News TV

Tatlong reklamo ang kinahaharap ni Mark Anthony Fernandez matapos itong mahulihan ng isang kilong marijuana sa Pampanga kahapon, October 3. Na-inquest na rin ang aktor matapos lumabas na positibo ito sa paggamit ng marijuana ngayong araw, October 4.


Iprinisenta sa media ngayong hapon, October 4, si Mark Anthony Fernandez sa headquarters ng Philippine National Police Region 3, sa San Fernando, Pampanga.

Tatlong kaso ang kinakaharap ni Mark kaugnay ng pagkakaaresto sa kanya ng mga awtoridad dahil sa isang kilong marijuana na natagpuan sa kanyang sasakyan kagabi, October 3.

Kabilang na rito ang paglabag ni Mark sa Article 151 ng Revised Penal Code o ang hindi magandang asal sa mga checkpoints; at Sections 5 (possession), 11 (transporting), at 12 (testing positive) sa Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 1992.

Ayon sa batas, kapag nahulihan ang isang tao ng marijuana na may bigat na 500 grams pataas, hindi na siya maaaring makapagpiyansa.

Pahayag pa ni Police Chief Superintendent Aaron Aquino, ang director ng Police Regional Office Region 3, katatapos lamang ma-inquest ni Mark Anthony sa harap ng isang hukom sa Angeles.


Kasalukuyang nakapiit sa Station 6 ng Angeles City Police Office ang aktor.


NOT PLANTED. Nagpaunlak ng ilang katanungan si Police Chief Superintendent Aquino sa media na dumalo sa presscon.

Sinabi niya ritong wala sa drug watchlist nila si Mark Anthony.

“Actually, wala sa watchlist namin si Mr. Fernandez, precisely because he is not an official resident of this region.

“When I was at the Senate hearing last night, I asked the regional director of NCRPO [National Capital Region Police Office] if Mr. Fernandez is included in their watchlist. They will check.

“But again, there’s already a history of Mr. Fernandez in the use of drugs.

“In fact, he’s been going in and out of rehabilitation.”

Sa imbestigasyon daw ay sinabi ni Mark Anthony na ‘for personal use’ lang ang marijuana.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

Patuloy ni Aquino, “Well, according to him, for personal use.

“Maybe it’s true, maybe it’s not, maybe some of his friends are also using that, we don’t know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think he was able to buy this marijuana for 15,000 pesos from a person named ‘Francis.’”

Dito ay nilinaw ni Aquino na imposibleng na-set-up lamang si Mark Anthony o planted ang naturang marijuana.

“In our spot report, there’s no such thing that this marijuana is planted.

“First and foremost, we don’t have any reason for him para i-plant itong marijuana sa kanya.

“Secondly, kung makikita niyo kasi, pinaigting namin ang police operations namin, especially in the conduct of checkpoints throughout the region.

“So, it was a chance arrest ang nangyari dun.

“We even do not expect during that time na na-checkpoint siya, na he was Mark Anthony Fernandez, until such time na na-intercept na siya somewhere dito sa Maharlika Highway.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN