Robin Padilla to nephew Mark Anthony Fernandez: "Salamat at buhay ka."

IMAGE GMA News TV (Mark Anthony)/ Noel Orsal (Robin)

Robin Padilla is just thankful that nephew Mark Anthony Fernandez is alive, after the latter was arrested due to possession of 1 kilogram of marijuana.


Sunud-sunod ang posts ni Robin Padilla sa kanyang social media account hinggil sa pagkakaaresto ng kanyang pamangkin na si Mark Anthony Fernandez.

Nahulihan si Mark Anthony ng isang kilong marijuana nitong October 3, Lunes, at ngayon ay naka-detain sa Station 6 ng Angeles City Police.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Nagpapasalamat si Robin at sinabing nakahinga siya nang maluwag dahil buhay si Mark Anthony nang mahuli ito.

Ang pangambang ito ng action star ay base na rin marahil sa halos sunud-sunod na balitang pagpatay sa mga pinaghihinalaang pusher o gumagamit ng illegal drugs. Kadalasang rason ay nanlaban diumano ang napatay.

Nag-post ang action star sa kanyang verified Facebook account nitong Martes ng gabi, October 4.

Sabi ni Robin, “Purihin ang Panginoong Maylikha, mahal kong pamangkin.

“Nakahinga ako nang maluwag at naglulumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Dios na makapangyarihan at ikaw ay buhay, Mark.

“Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nangyaring masama sa iyo.”

Pinsang buo ni Robin ang yumaong ama ni Mark Anthony na si Rudy Fernandez.

Magkapatid ang ama ni Robin (Roy Padilla) at ang ina ni Rudy (Pilar Padilla).

Nagpasalamat din si Robin kay PNP Chief Ronald 'Bato' dela Rosa dahil sa 'makataong paghuli' kay Mark.

“Sir Bato at sa Angeles City PNP, tanggapin po ninyo ang malalim na pasasalamat at pagsaludo ng Padilla Family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez... Alhamdulillah.”

Si Robin ay kilalang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte, na seryoso sa kanyang kampanya na puksain ang ilegal na droga sa bansa.

Samantala, nag-react din si Robin sa isang post ng half-brother ni Mark Anthony na si Ralph Fernandez, anak nina Rudy at Lorna Tolentino.

Ipinost ni Ralph ang isang lumang larawan kung saan kasama niya ang amang si Rudy, si Mark Anthony, at ang nakababatang kapatid nilang si Renz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanging caption ni Ralph dito: “Oh, brother.”

Ni-repost ni Robin ang nasabing photo ng pamangkin.

Caption ni Robin: “Yes nephew Rap Fernandez and it will be a long sacrifice for your brother, but medical marijuana will be his contribution to the future...

“For now, let us thank and praise God he is alive. Alhamdulillah.”

Ang tinutukoy ni Robin ay ang isyu ngayon sa medical science tungkol sa diumano’y pagiging epektibo ng medical marijuana upang mapagaling ang mga matitinding karamdaman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN