No special treatment for Mark Anthony Fernandez, says Angeles City police chief

IMAGE GMA News on Twitter

Wala raw espesyal na pagtrato ang mga pulis kay Mark Anthony Fernandez na nakapiit ngayon sa Angeles City Police Station 6 dahil sa illegal possession of marijuana. "Out of consideration" lang daw ang paglipat nila rito sa selda na may sariling palikuran.


"Walang special treatment."

Ito ang inihayag ni Chief Inspector Franciso Guevarra ng Angeles City Police Station 6 tungkol sa kalagayan ng aktor na si Mark Fernandez sa piitan.

Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV ngayong araw, October 5, inilipat lang si Mark sa bakanteng selda na para sana sa mga babae "out of consideration."

Dagdag pa ni Guevarra, lagi raw kasing nagbabanyo si Mark kaya inilipat na lang nila ito sa selda na may sariling palikuran.

Ang nakikita raw nilang special treatment ay kung pinayagan nila si Mark na sa kanilang opisinang may aircon ito mamalagi.

Sa selda ay may sarili ring electric fan si Mark.

Matatandaang nahuli ang 37-year-old actor sa Maharlika Highway sa Pampanga matapos nito diumanong takasan ang isang checkpoint.

Nakuha sa kanyang minanehong kotse ang isang kilo ng marijuana, bagamat sinabi ni Mark Anthony sa isang panayam na planted ito.

Ngunit mariin itong kinontra ng mga awtoridad.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Non-bailable ang mga kasong kinahaharap ng aktor at maaari siyang makulong habambuhay.

Read: Mark Anthony Fernandez charged with non-bailable offenses

FAN MODE ON? Samantala, lumikha naman ng maraming kritisismo mula sa netizens ang larawang kumalat sa social media kung saan makikita rito ang dalawang babaeng pulis na nagpakuha ng larawan kay Mark Anthony habang nasa loob ng tanggapan ng pulisya.


Ayon sa mga ulat, nalalagay sa alanganin ang trabaho ng dalawang pulis ngayon dahil sa pagpapakuha nila ng litrato sa naarestong aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN