Claudine Barretto defends Gretchen's daughter on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Claudine Barretto commented in an Instagram post and requested netizens to leave niece Dominique Cojuangco alone.


Ipinagtanggol ni Claudine Barretto ang pamangkin na si Dominique Cojuangco laban sa bashers.

Si Dominique ang nag-iisang anak ng kapatid ni Claudine na si Gretchen sa businessman na si Tonyboy Cojuangco.

Hindi tiyak kung ano ang pinag-ugatan ng diskusyon para sumagot si Claudine sa comments section ng kanyang Instagram post dahil tila deleted na ang ibang comments.

Pero sa comment ni Claudine, ipinagtanggol niya si Dominique.

“Pakiusap lang po. Please leave my niece alone. Thank you,” komento ng aktres.


Base sa thread, unang nagkomento si Dominique para ipagtanggol si Claudine mula sa bashers.

May mga netizen na nagpasalamat kay Dominique sa pagtatanggol nito sa kanyang tita, pero deleted na ang komento ng dalaga.




Sa comments ng ilang netizens, may mga nang-bash kay Claudine tungkol sa droga at pinag-aaway ang aktres at kapatid nito.

Isa si Claudine sa mga artistang sumailalim sa drug test kamakailan at negatibo ang resulta nito.

Read: Claudine Barretto undergoes voluntary drug test; tests negative for illegal drugs

Hindi rin lingid sa showbiz na may alitan pa rin hanggang ngayon sa pagitan nina Claudine at Gretchen.


Binanggit din ng isang netizen na ang comment ni Dominique na deleted ay “Leave her alone,” at naniniwala ang netizens na ito ang pagtatanggol ng dalaga sa kanyang tita.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN