Boluntaryong nagpa-drug test ang aktres na si Claudine Barretto alinsunod sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.
Ayon sa drug test result na nai-post sa Facebook, negatibo ang 37-year-old actress sa mga ilegal na droga tulad ng cocaine, ecstasy, methamphetamine o shabu, morphine, opium, at marijuana.
Ang drug test kay Claudine ay isinagawa sa isang diagnostic center sa Quezon City nitong Lunes, September 5.
Ang talent management na Viva Artists Agency ang nag-request ng naturang drug test para kay Claudine, katulad din ng iba pang talents nilang sina Anne Curtis at James Reid.
Read: Anne Curtis and James Reid test negative for illegal drugs

Matatandaang minsan na ring inakusahang gumagamit diumano ng ipinagbabawal na gamot si Claudine ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.
Subalit nakita ring negatibong siya sa mga nabanggit na ilegal na droga nang magpa-drug test siya noong panahong iyon.
Read: Claudine Barretto denies Raymart Santiago’s allegation that she is a drug user