Alma Moreno visits Mark Anthony Fernandez at Angeles City police station

IMAGE ABS-CBN News Pampanga

Alma Moreno reportedly spent two hours with detained son Mark Anthony Fernandez at Angeles City police station in Pampanga. 


Binisita na ni Alma Moreno ang anak niyang si Mark Anthony Fernandez sa Angeles City Police Station 6 sa Pampanga, gabi ng Miyerkules, October 5.

Ito ay dalawang araw mula nang maaresto ang 37-year-old Kapuso actor matapos itong mahulihan diumano ng isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana habang sakay ng sports car nito.

READ: Mark Anthony Fernandez may face lifetime imprisonment over alleged illegal possession of marijuana

Ayon sa ulat ni Gracie Rutao, na nailathala sa ABS-CBN News Online, dalawang oras ang itinagal ni Alma at iba pa nitong kasama sa loob ng Angeles City Police Station 6.

Makikita sa video ng ABS-CBN News na sinubukang kapanayamin ang beteranang aktres bago ito umalis ng lugar.
Tila maayos namang tumanggi si Alma na magbigay ng anumang pahayag sa ngayon.


Makikitang nakaalalay kay Alma ang dalawa niyang kasama mula sa paglabas nila ng presinto hanggang sa makasakay ng kanilang dalang sasakyan.

Sa mga naunang ulat ay nabanggit na hindi kaagad nakadalaw ang aktres sa kanyang anak dahil sa sakit nitong high blood.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN