Mark Anthony Fernandez may face lifetime imprisonment over alleged illegal possession of marijuana

IMAGE Courtesy of PNP Region 3

According to the provision of R.A. 9165, illegal possession of 500 grams or more of marijuana is punishable by lifetime imprisonment, with a fine ranging from P500K to P10M.


Si Mark Anthony Fernandez ay nahaharap sa tatlong reklamong paglabag diumano sa Republic Act (RA) 9165 o An Act Instituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa isang presscon kahapon, October 4, inihayag ni Central Luzon police director at Chief Superintendent Aaron Aquino na kabilang sa reklamo laban kay Mark Anthony ang paglabag sa R.A. 9165 Section 5, Section 11, at Section 12.

Sinampahan din ang aktor ng reklamong paglabag sa Revised Penal Code Article 151 o “simple disobedience on operation of checkpoint.”

Dagdag ni Aquino, “non-bailable” ang reklamong kinahaharap ni Mark Anthony dahil nahulihan ito ng isang kilong marijuana.

Lunes, October 3, inaresto si Mark Anthony ng pulisya matapos siyang mahulihan diumano ng isang kilong marijuana habang sakay ng kanyang Ford Mustang sa Angeles City, Pampanga.

Sa panayam ng GMA News, inihayag ni Angeles City Police Chief Inspector Francisco Guevarra Jr. na tinakasan daw ng aktor ang checkpoint sa MacArthur Highway sa Barangay Virgen delos Remedios.

Ngunit nahuli raw ng pulisya si Mark Anthony nang maipit ito sa trapiko sa San Fernando, Pampanga.

Dito diumano natagpuan ng pulisya ang isang bag ng marijuana sa may passenger seat ng sports car ng aktor.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

Ngunit iginiit ng aktor sa isang panayam na planted o hindi galing sa kanya ang nakumpiskang marijuana sa loob ng sasakyan niya.

Sa hiwalay na ulat ng The Philippine Star ay nabanggit ding nahulihan si Mark Anthony ng isang yellow plastic na may lamang “marijuana residue” at “mechanical grinder” ng marijuana leaves.

Martes, October 4, nakumpirma ng pulisya na positibo sa marijuana ang drug test ni Mark Anthony.

Read: Mark Anthony Fernandez tests negative for shabu, positive for marijuana

PROVISIONS OF R.A. 9165. Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang R.A. 9165 Section 11 ay tumutukoy sa “possession of dangerous drugs.”

Ang R.A. 9165 Section 5 ay tumutukoy sa “sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang R.A. 9165 Section 12 ay tumutukoy sa “possession of equipment, instrument, apparatus and other paraphernalia for dangerous drugs.”

POSSIBLE PENALTY. Ano ang posibleng parusa sa paglabag ng mga probisyong nakapaloob sa R.A. 9165?

Nakasaad sa R.A. 9165 Section 11 na “lifetime imprisonment to death” ang parusa sa mahuhulihan ng “500 grams or more of marijuana.”

Dagdag pa rito ang multa na P500,000 hanggang P10 million.

Sa probisyon ng R.A. 9165 Section 12, ang illegal possession of equipment for dangerous drugs ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon.

Dagdag pa rito ang multa na P10,000 hanggang P50,000.

Sa probisyon ng R.A. 9165 Section 5, ang illegal transport for any dangerous drugs ay maaaring maparusahan ng “lifetime imprisonment to death.”

Dagdag pa rito ang multa na P500,000 hanggang P10 million.

Mayroon ding probisyon para sa paglabag sa R.A. 9165 Section 15 o “use of dangerous drugs.”

Nakapaloob dito na ang first-time offender na naaresto at positibo sa anumang illegal drugs ay maaaring mapatawan ng pinakamababang parusa na anim na buwang rehabilitation sa isang government center.

Ang second-time offender ay maaaring mapatawan ng pagkakulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Dagdag pa rito ang multa na P50,000 hanggang P200,000.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN