Late comedian Elizabeth Ramsey's remains exhumed

IMAGE @mjmarfori / @jayasoul on Instagram

Ipinahukay ng kapatid ni Jaya na si Susan Ramsey (kaliwa) ang mga labi ng namayapa nilang ina na si Elizabeth Ramsey mula sa puntod nito sa isang sementeryo sa Antipolo. Ililipat daw sa Negros ang kanyang mga labi upang ihimlay sa libingan ng mga Ramsey doon.


Dalawang araw bago ang unang anibersaryo ng kamatayan ng legendary comedienne-singer na si Elizabeth Ramsey, ipinahukay ng half-sister ni Jaya na si Susan Ramsey ang mga labi nito mula sa isang sementeryo sa Antipolo ngayong araw, October 6.

Ito ay sa pagnanais ni Susan na mailipat na sa libingan ng mga Ramsey sa San Carlos, Negros Occidental, ang mga labi ng ina.

Sa video post sa Instagram ng TV5 showbiz reporter na si MJ Marfori, sinabi niya sa caption na: “Jaya's sister Susan Ramsey accuses her of not taking care of their mother Elizabeth days before her death last Oct 8, 2015.

“Now Susan is pulling out Elizabeth's remains here in Antipolo and she will transfer it to their hometown in Negros.

“In a statement, Jaya says, 'I will not speak about this matter. I’ll just let her deal with this. Thanks so much.'”

Ayon sa panayam ni MJ at ng ilan pang reporters kay Susan, binalaan nito si Jaya na huwag na nitong gamitin ang apelyidong ‘Ramsey.’

Aniya, “She continues her life, whatever she want to do in her life but don’t use Ramsey, because before you ignored Ramsey.

“Before Mama died, one time I introduced you to a show, anong sabi mo sa akin, ‘O, hindi na ako Ramsey, Gotidoc na ako, e.’

“Really? Now that Mama is dead, you wanna use Ramsey? Okay, come on now.

“Be for real here. Don’t use our mother’s name. You made your name as Jaya. Keep it that way. Alright?

“Don’t use mama. Mama have done her life. Mama made her name as Ramsey. Without her you would never be Jaya. Never!”

October 8, 2015 pumanaw si Elizabeth sa edad na 83.

Read: Veteran singer-comedienne Elizabeth Ramsey dies at 83


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN