Shaina Magdayao gives strong support to sister Vina Morales amid legal battle with Cedric Lee

IMAGE File photo

Shaina Magdayao on her sister Vina Morales's legal battle vs Cedric Lee, "Every step of the way, nandun naman kami lagi sa likod niya."


Nananatiling matibay ang suporta ni Shaina Magdayao sa kanyang nakatatandang kapatid na si Vina Morales sa gitna ng legal battle nito sa dating kasintahan na si Cedric Lee.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Shaina, inihayag niya na patuloy ang suporta nilang magkakapatid sa kanyang ate, lalo na sa kanyang pamangkin na si Ceana.

Si Ceana ay anak nina Vina at Cedric.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Ever since naman, kilala niya ang pamilya namin... kung gaano kami ka-close and kung gaano namin kasuportado ang isa’t isa.

“Every step of the way, nandun naman kami lagi sa likod niya, especially alam ninyo kung gaano ako ka-protective na Tita.”

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Vina, sinabi nitong magsisilbing witness niya ang kanyang mga kapatid na sina Shaina at Shiela para sa reklamong isinampa niya laban kay Cedric.

Ang mga reklamong ito ay kidnapping, illegal detention, at Violence Against Women and their Children o VAWC.

Ito ay kaugnay ng sapilitang pagtangay diumano ni Cedric kay Ceana sa loob ng siyam na araw.

Ani Vina, “My family are fighting for with what’s happening sa mga kaso namin.

“So buong pamilya kami. Suportado nila ako.”

Read: Vina Morales on filing charges vs Cedric Lee: 'To show him that no one is above the law.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN