Mark Anthony Fernandez's estranged wife posts touching message for the actor

IMAGE Noel Orsal (Mark Anthony)/ Instagram (Melisa)

Mark Anthony Fernandez's estranged wife, Melissa Garcia, posted a message for the actor: "Thank you for being a good father to your children. God will not forsake you, so don't ever lose hope."


Nagbigay ng maikling mensahe ang estranged wife ni Mark Anthony Fernandez na si Melissa Garcia sa isang post sa social media kahapon, October 5, Miyerkules, kaugnay ng pagkakaaresto sa aktor dahil sa marijuana.

Ani Melissa sa kanyang Facebook status, ipinagdarasal niya si Mark at mananatili ang respeto at pagmamalasakit niya sa aktor.

“I'm sorry I can't be with you this time. But you have my prayers.

“I will always have respect and care for you.”

Pinasalamatan din ni Melissa ang kanyang estranged husband dahil sa pagiging mabuting ama nito sa kanilang mga anak.

“Thank you for being a good father to your children. God will not forsake you, so don't ever lose hope.”

Ikinasal sina Mark Anthony at Melissa noong 2006 at kinumpirma ang kanilang paghihiwalay noong 2014.

Nagkaroon sila ng dalawang anak, ang Kapamilya young actor na si Grae Fernandez at si Rudolf na dalawang taong gulang.

Nauna nang nag-post ng mensahe si Grae para sa kanyang ama kasunod ng pagkakaaresto nito.

Read: Grae Fernandez to Mark Anthony: 'No matter what people say about you, I will always be proud to be your son.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN