Grae Fernandez to Mark Anthony: "No matter what people say about you, I will always be proud to be your son."

IMAGE Instagram photo of Grae Fernandez

Mark Anthony Fernandez's 14-year-old son Grae posts this message on Twitter: "No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you're the best dad!"


Isang mensahe ng pagsuporta ang ibinigay ni Grae Fernandez sa amang si Mark Anthony Fernandez, na naka-detain ngayon sa Pampanga matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil nahulihan diumano ito ng isang kilo ng marijuana.

Kasunod ng balitang pag-aresto sa dating Gwapings member na si Mark Anthony, nag-post ang kanyang binatang anak ng maiksing mensahe sa Twitter at ginamit ang hashtag na #markanthonyfernandez.

Sabi ng 14-year-old Kapamilya star, “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you're the best dad! #markanthonyfernandez”

Nagkomento pa nga rito ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo:

Nagkasama sina Grae at Kathryn sa dating primetime series ng ABS-CBN na Pangako Sa 'Yo (2015).

Sa isang panayam kay Grae, inamin nitong alam niya ang nakaraan ng kanyang ama, na boluntaryong pumasok sa Bicutan Rehabilitation Center noong 2004.

Dahil sa naging karanasan noon ng ama, sinabi ni Grae na alam na niya kung paano maiiwasan ang masamang bisyo.

“Alam ko naman na po how I will counteract with confidence,” aniya.

Si Grae ay panganay na anak ni Mark Anthony sa kanyang dating asawa na si Melissa Garcia.

Read: Grae Fernandez sad over negative rumors about dad Mark Anthony Fernandez: 'Kahit ano’ng sabihin nila, he’s a great dad po.'

Kasalukuyan pa ring naka-detain si Mark Anthony sa Station 6 ng Angeles City Police sa Pampanga.

Nakuha umano mula sa 37-year-old actor ang tinatayang isang kilo ng marijuana sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga, kagabi, October 3.

Read: Mark Anthony Fernandez arrested for illegal possession of 1 kilo of marijuana

Ngunit giit ni Mark Anthony, wala siyang dalang marijuana nang arestuhin siya ng mga awtoridad.

Gayunman, inamin niyang gumagamit siya ng naturang ipinagbabawal na gamot para raw maiwasan ang sakit na cancer.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa drug test na isinagawa kay Mark Anthony kaninang umaga, negatibo siya sa substance na metamphetamine o shabu pero positibo siya sa THC-metabolites na makikita sa marijuana.

Read: Mark Anthony Fernandez tests negative for shabu, positive for marijuana


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN