Jaclyn Jose to basher: "Sisiguraduhin ko na babalikan kita."

IMAGE Noel Orsal

Character actress Jaclyn Jose hits back at basher who accused her, daughter Andi, and Ellie nasty things.


Hindi napigilan ni Jaclyn Jose na sagutin ang isang basher matapos nitong pagsabihan ng hindi magagandang bagay ang anak niyang si Andi Eigenmann.

Kaugnay pa rin ito ng isyu na si Jake Ejercito umano ang biological father ng anak ni Andi na si Ellie.

Matatandaang nang mabuntis si Andi, ang unang itinurong ama umano ng kanyang dinadala ay ang dating boyfriend ng aktres na si Albie Casino.

Una nang ipinagtanggol ni Jaclyn ang anak na si Andi mula sa mga bashers sa pamamagitan ng pagko-comment sa Instagram post ng huli.

READ: Jaclyn Jose defends daughter Andi Eigenmann from bashers; asks netizens not to involve her granddaughter

Pero sa Instagram account ni Jaclyn, hindi rin napigilan ng character actress na sagutin ang isang basher (@laiudhhsg) na tinawag siya ng hindi magagandang gayundin si Andi at apong si Ellie.

Tinawag nitong “loser” si Jaclyn at “whore” naman si Andi. Sinabihan din nito ang mag-ina na "nakakahiya" at "nakakawalang grado."


Buwelta ng character actress, “I will make sure that DOLE will deal with you Wala ka alam.

“Hindi mo alam kung pa’no ko pinaghirapan palakihin ang anak ko, hindi mo ako kilala, wala ka karapatan tapakan pagkatao ko. Sisiguraduhin ko na babalikan kita.”


Sa isa pang post ni Jaclyn, hindi pa tumigil ang nasabing basher at muling binatikos ang mag-ina gamit muli ang hindi magagandang salita kagaya ng "scam." Inakusahan din niyang mga "hypocrite" ang mag-inang aktres.



Muling sumagot si Jaclyn sa naturang basher, gayundin sa iba pang bumabatikos sa anak niyang si Andi.

“laiudhhsg gago ka ! Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa niyo sa apo ko?! Sumusobra na kayo. I am asking help from DOLE. I will find you and pay for what you have said to my granddaughter.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN