NAPC: No intention to malign Agot Isidro, VP Leni Robredo in distasteful FB post

IMAGE Facebook photo of Leni Robredo (left)/Instagram photo of Agot Isidro

National Anti-Poverty Commission (NAPC) issues public apology for the "distasteful statements" against Agot Isidro and VP Leni Robredo that was published on the organization's official Facebook page this Monday, October 10.


Pormal na humingi ng dispensa ang National Anti Poverty Commission (NAPC) na pinamumunuan ni dating Bayan Muna Party List Representative Liza Maza.

Kaugnay ito ng viral Facebook post ng NAPC na naglalaman ng hindi magandang salita laban kay Vice President Leni Robredo at sa beteranang aktres na si Agot Isidro.

Sabi sa naturang viral post, na nailathala sa Facebook ng NAPC pasado alas tres ng hapon, Lunes, Oktubre 10:

“Ang pagkakapareho ni Agot Isidro at VP Leni Robredo—takot silang magutom!”


Tila nag-ugat ito sa pambabatikos ni Agot sa paraan ng pamumuno ni President Rodrigo Duterte sa bansa.

READ: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte "pyschopath"

Agad itong napuna ng netizens, lalo na ng mga tagasuporta ni VP Robredo na dumepensa sa bise presidente.




NAPC'S APOLOGY. Bandang 5:44 p.m. nang mailathala sa Facebook account ng NAPC ang kanilang official statement hinggil sa isyu.

Dito ay iginiit ng NAPC na walang intensiyon ang kanilang pamunuan na maghayag ng hindi magandang salita laban kina VP Robredo at Agot.

Ngunit hindi malinaw kung paanong nakalusot sa kanilang Facebook page ang tila pang-iinsulto sa dalawang nabanggit.

Pahayag ng NAPC: “Certain distasteful statements have been posted in our Facebook page that in no way reflect NAPC's views or values.

“We sincerely apologize to Vice President Robredo, Ms. Isidro, and to the public in general.

“We are now investigating this matter internally.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN