Former teen actor John Wayne Sace out of danger after being shot by unknown suspects

IMAGE File photo

John Wayne Sace's sister says former teen actor is now "out of danger" after he and his friend were shot by unknown suspects last night. His friend was pronounced dead on arrival, according to a report.


Ligtas na ang dating teen actor na si John Wayne Sace matapos mabaril ng hindi nakilalang suspek sa Pasig City kagabi, October 10.

Ayon sa unang ulat ng Manila Bulletin, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang bumaril kay Sace at kasama nitong kaibigan.

Dead on arrival daw ang naturang kaibigan ni John Wayne.

Base sa Facebook post ng kapatid ni John Wayne kanina lamang, ligtas na sa kapahamakan ang dating miyembro ng all-male group na Anime.

Mensahe ni Queen Sace sa kanyang Facebook post, “My brother is out of danger. In behalf of our family, we thank all those who prayed for his safety.

“Opposite from what was in the news or in the social media, my brod had undergone series of test[s] and now in a stable vitality.”

Nag-iwan din ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng private message sa kapatid ni John Wayne sa Facebook para alamin ang iba pang detalye ng kalagayan ngayon ng dating Kapamilya teen actor.

Hindi pa rin alam kung ano ang dahilan ng pagkakabaril kay John Wayne at kaibigan nito.

Huling nakausap ng PEP si John Wayne nang magbalik ito sa showbiz sa pamamagitan ng dance show noon ng TV5 na Move It.

Dito ay inamin niyang naging problema niya ang paggamit noon ng ilegal na droga.

Read: Former teen star John Wayne Sace makes a showbiz comeback; admits battle with drugs

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ng kampo ni John Wayne tungkol sa kalagayan nito ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN