Veteran actor Dick Israel dies at 68

IMAGE Courtesy of astig.ph

Veteran actor Dick Israel died at his home, according to actress Vivian Velez.


Pumanaw na ang character actor na si Dick Israel, Ricardo Vizcarra Michaca sa totoong buhay, ngayong Martes ng gabi, October 11.

Ito ay ipinaalam sa publiko ng aktres na si Vivian Velez sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Aniya, “Remembering his wonderful and gentle soul will forever remain in our hearts.

“A good heart has stopped beating, a good soul ascended to heaven. RIP Dick Israel.”

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa aktres na si Ara Mina na cardiac arrest ang ikinamatay ni Dick sa edad na 68.

Sinabi naman ni Vivian sa panayam ng entertainment program ng dzBB na binawian ng buhay si Dick habang nasa kanilang bahay.

Maaari raw na sobrang nag-alala si Dick para sa kanyang asawa na kasalukuyang comatose sa ospital.

Kamakailan lang ay nagbayanihan ang ilang celebrities para makatulong sa yumaong aktor, na nahirapan nang makakilos at makapagsalita simula nang ma-stroke noong 2010.

Nalaman ng publiko ang kalagayan ni Dick nang maging viral ang larawan na in-upload ng isang netizen.

Nagsimula ang acting career ni Dick noong dekada '70 at nakagawa siya ng mahigit 300 proyekto sa pelikula at telebisyon.

Ngunit mas nakilala siya sa pagganap na kontrabida sa action films at character roles.

Nanalo siya ng dalawang Best Supporting Actor awards sa Metro Manila Film Festival; noong 1988 para sa Patrolman at noong 1994 para sa Kanto Boy: Anak Ni Totoy Guwapo.

Huli siyang napanood sa pelikulang Boy Golden noong 2013.

Balikan ang istoryang ito para sa karagdagang impormasyon na makukuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa sinapit ng aktor.

Watch: Who is Dick Israel? Not just your regular kontrabida


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN