Sunshine Cruz hits back at basher calling her a 'boldstar'

IMAGE @sunshinecruz718 on Instagram

Kinumpronta ni Sunshine Cruz ang isang basher na nagkomento ng hindi magagandang salita sa kanya sa Instagram. Pinakialaman pa ng naturang basher ang kanyang sex life at ang kanyang pagiging sexy star dati.


Nitong nakaraang Linggo, October 9, ay naging viral sa social media ang holding-hands photo ni Sunshine Cruz at ang half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay IV.

Ayon naman sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "recently dating" pa lamang ang status ng dalawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Dahil sa balita, may ilang netizens na tila hindi aprubado sa bagong love life ni Sunshine.

Isa na rito ang may handle name na @ily_girlash sa Instagram.

Nagpa-flood pa nga raw ito ng mensahe sa account ni Sunshine, pati na sa kanyang anak na si Samantha Montano.

Sa isa nitong post ay sinabihan niya ng kung anu-ano ang aktres at tinawag pa itong "boldstar."


Hindi naman ito pinalampas ni Sunshine. Kaagad niyang kinumpronta ang naturang basher.


WALK IN FREEDOM. Samantala, mukhang nagkakaigihan na sina Sunshine at Macky.

Sa isang post ng aktres, nag-comment pa rito si Macky at ipinagmamalaki pa niya ang idini-date.

Thanks for the nomination PMPC Star Awards For TV. Thank you Dolce Amore for Mamsie Alice/Momsie, @starcreativestv and Abs-Cbn ??

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on


Sa post naman niya ngayong araw, October 12, nagbahagi si Sunshine ng isang quote tungkol sa ‘happiness.’

????

A photo posted by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN