Macky Mathay's wife posts cryptic message; is she alluding to Sunshine Cruz?

IMAGE Camille Mathay & Sunshine Cruz's Instagram accounts

Following reports about the rumored romance between Sunshine Cruz (right photo) and Macky Mathay, his wife Camille Fariñas-Mathay (leftmost) posts an Instagram photo with this caption "Happy I have my 3 kids to give me all that and more!"


Hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang Instagram post ng misis ni Ismael “Macky” Mathay IV na si Camille Farinas-Mathay.

Ito ay sa gitna ng usap-usapang may namumuong magandang pagtitinginan sa pagitan ni Macky at ng aktres na si Sunshine Cruz ngayon.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Sabi ni Camille sa kanyang Instagram post, Martes ng hapon, Oktubre 11: “You say it best... when you say nothing at all.”

Ang naturang linya ay hango sa kantang "When You Say Nothing At All."

Dugtong pa ni Camille sa kanyang IG post, “I miss blue skies, good weather, sea, sand, air, good food, good massage and a good night's sleep!

“Happy I have my 3 kids to give me all that and more!”

Isa sa mga nag-like sa IG post ni Camille ay ang dating aktres na si Marjorie Barretto.

SUNSHINE-MACKY RUMORED ROMANCE. Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, Oktubre 10, nailathala ang tungkol sa viral photo nina Sunshine at Macky na magka-holding hands habang tumatawid ng pedestrian lane.

Nakasaad din dito na isang “source” ang nagsabing lagpas isang taon na umanong hiwalay sina Camille at Macky.

Ngunit hindi pa rin daw annulled ang kasal ng dalawa.

Read: PEP EXCLUSIVE. Sunshine Cruz is dating Macky Mathay, says source

Sa katunayan, kapansin-pansin sa Instagram bio ni Camille na inilarawan nito ang sarili bilang “WIFE OF MAC” at ina ng kanilang tatlong anak.

Noon pang September 10, 2015 huling nagbahagi si Camille ng larawan nilang mag-asawa.

Stars trying to light up the dark ????

A photo posted by Rica Camille Farias-Mathay (@camillefarinasmathay) on

Si Camille ay nagsisilbi ring chief-off-staff ng ama niyang si Ilocos Norte Rep. Rudy Farinas.

Samantala, sa parehong Instagram post ni Camille ay may ilang komento mula sa netizens na nagtatanong tungkol sa napapabalitang ugnayan ng kanyang mister na si Macky kay Sunshine.



Si Macky ay kapatid sa ama ni Ara Mina, na malapit na kaibigan naman ni Sunshine. Ang kanilang ama ay si Chuck Mathay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sunshine ay hiwalay na rin sa kanyang mister na si Cesar Montano ngunit hindi pa annulled ang kanilang kasal.

Parehong may tigta-tatlong anak sina Sushine at Macky mula sa kani-kanilang asawa.

Sinubukan ng PEP na hingan ng pahayag si Camille ngunit hindi pa ito sumasagot sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN