Robin Padilla says Dick Israel was victim of 'medical marijuana oppression'

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla once again defends his stand on supporting medical marijuana: "I really thought this government is already educated enough to legalize medical marijuana. Hypocrites are still under the banner of Big pharmaceutical companies."


Nag-post ng mensahe sa Facebook si Robin Padilla kasunod ng pagpanaw ng kanyang kaibigan at dating katrabahong si Dick Israel.

Pumanaw ang batikang aktor sa kanilang tahanan, gabi ng Martes, October 11.

Read: Veteran actor Dick Israel dies at 68

Sa verified Facebook account ni Robin ngayong Miyerkules, October 12, sinabi ng action star na ang kanyang kaibigan ay biktima ng “medical marijuana oppression.”

Isa si Robin sa mga sumusuporta sa medical marijuana, na sinasabing nakatutulong upang gamutin ang ilang nakamamatay na sakit.

Legal ang medical marijuana sa ibang bansa, pero hindi sa Pilipinas.

Sabi ni Robin, “Another victim of the medical marijuana oppression. I’m sorry I failed you, dearest friend.

“I really thought this government is already educated enough to legalize medical marijuana.

“Hypocrites are still under the banner of Big pharmaceutical companies.

“Your sacrifice will never be forgotten.”

May sumunod pang post si Robin na tila sagot niya sa kanyang naunang post at para sa di sang-ayon sa pagsuporta niya sa medical marijuana.

Base sa sumunod na post ni Robin, tila sagot ito sa mga bumatikos sa kanya dahil sa pagsusulong niya ng medical marijuana.

Kilala si Robin bilang supporter ni President Rodrigo Duterte, na matinding ikinakampanya ang paglaban sa illegal drugs.

Nag-post muli si Robin at ibinahagi pa ang video na nagpapakita na pumapabor si Pangulong Duterte sa paggamit ng medical marijuana.

Buwelta niya, “Sa mga hindi nakakaintindi sa gobyerno ito po ang maliwanag na pagpapaliwanag.

“Una si Mayor Duterte is not against medical marijuana Stick that to your thick skull.

“Pangalawa ang gobyerno ay hati sa tatlong sangay: Executive, kung saan ando’n ang Pangulo; Legislative, kung sa’n ando’n ang Senado at Kongreso; pangatlo ay ang Judiciary, kung sa’n ando’n ang Supreme Court.

“Hindi porke’t sinabi kong gobyerno ay si Mayor na kaagad ang nasa isip ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magbasa-basa nga kayo at gumamit ng Internet nang tama para may dagdag kaalaman...

“At lalong hindi recreational marijuana ang itinutulak ko kundi MEDICAL marijuana...

“Use the internet wisely.

“Sayang ang utak kung magiging slightly used.

“Sabagay baka maibenta pa ‘yan malaki siguro kasi hindi nagamit.”

Read: Five fast facts about marijuana and drug abuse in the Philippines


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN